Chapter 29 Akala ni Sayah ay makakalabas siya ng dining hall ng maayos ngunit sa pinto pa lang ay may humarang na sa kaniyang tatlong mga lalake. Kilala niya sa mukha ang mga ito, ito iyong madalas na kasama ni Tala. Alam na niya ngayon kung ano ang pakay ng mga lalake sa kaniya. “Saan ka pupunta?” tanong ng isang lalakeng may kulay pulang buhok. “Hindi ka makakalabas dito hangga’t hindi ka humihingi ng pasensiya sa inasal mo kay Tala,” sabi ng lalakeng may hikaw sa labi. Napabuntong hininga siya. Hindi niya gusto na makipag-away sa mga ito ngunit ang ginawa kanina ni Tala ay delikado. Ang pagbato nito ng patalim sa kaniya ay hindi tama kahit pa ang pagbato nito ng tinidor. Nais lamang niyang kumain ng tahimik doon ngunit ang ginawa nito ay hindi tama. Hindi na siya nagreklamo nang i

