Chapter 28 “Narito na pala ang bida natin,” Iyon ang kaagad narinig ni Sayah nang pumasok siya sa loob ng kainan ng lahat ng miyembro. Unang beses niyang mapunta sa dining hall ng bawat miyembro ng limang grupo ng mga vampire hunters. Ang mga mata ng mga tao ay nasa kaniya at ang ibang mga tingin ay hindi niya nagugustuhan. Para bang sinasabi ng mga tingin na iyon na hindi siya tanggap doon. Ngunit hindi ang mga ito ang dapat na intindihin niya. Narito siya hindi para makipagkaibigan sa mga ito. “Kamusta ang parusa kanina, Sayah?” tanong ni Tala sa kaniya. Hindi niya pinansin ang babae, naglakad siya patungo sa lagayan ng mga pinggan at kubyertos. Kumuha siya ng tray at inilagay doon ang mga kinuha. “Hindi ka ba nahihiya kanina, Sayah? Halos lahat ng mga tao na nagsasanay sa laba

