Chapter 27 The bloody training went on. Habang wala si Xen at Zico ay sinamantala ng ibang mga miyembro ang pagkakataon para gumawa ang mga ito ng kalokohan. Ngayon nga ay katatapos lang ng pagsasanay, ginabi na siya dahil sa parusang natanggap niya kanina. Pinarusahan siya ng lider na nagtuturo sa kanila. Hindi raw tama ang pagwasiwas at ang paggalaw nito sa katana. "Sayah... h-huwag ka na lang kaya muna pumunta sa pagsasanay bukas? k-kasi parang di mo kakayanin, pagdating ni Xen at Zico ay sabihin natin ang ginagawa nila," sabi ni Pika. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Xen noong gabi na nangamba siya sa mga sinabi ni Pika kinabukasan ay nagpaalam itong aalis para sa isang misyon kasama si Zico at baka sa susunod na buwan na ito bumalik. Pagkatapos noon nang umalis ito ay nang araw

