Chapter 26 Narito siya ngayon sa labas kasama si Xen dahil hinihintay nila ang pagbabalik ni Pika. Hindi nalimutan ni Sayah ang mga sinabi ni Pika sa kaniya. Hindi niya alam na ganoon na pala ang iniisip nito sa kaniya. Siguro ay naapektuhan ito ng mga nakaraang dinamdam niya. Ilang araw din kasi niyang inisip ang tungkol sa Hindi sumama sa kaniya si Pika nang bumalik siya saheadquartersng vantress. Nag-alala siya nang hindi na ito magsalita matapos nitong sabihin sa kaniya ang nararamdaman. Kinausap naman niya si Xen tungkol sa nangyari. Higit sa lahat, ito ang ang malapit kay Pika at nakakakilala dito, hindi niya kasi alam ang gagawin at sasabihin kapag nagkita muli sila ng kaibigan. Ikinwento ni Sayah kay Xen ang sinabi ni Pika, noong una ay tahimik lamang ito sa kaniya. Nang maka

