Chapter 71 Nang mag-angat ng tingin si Sayah ay nakita niya ang luha sa magkabilang pisngi ng bata. Umiiyak ito habang nakatingin sa kaniya. Ani... Sambit niya sa sarili nang maalala ang kaniyang nakababatang kapatid. Nakita niya ang nakababatang kapatid sa bata na nasa kaniyang harapan. “Ate, takot po ako... takot po.” Sabi ng bata sa kaniya. “Oli!” Narinig niyang tawag ng isang babae. Nang mapalingon siya at ang bata ay isang ginang ang papalapit sa kanila. “Oli! Saan ka ba nanggaling? Sinabi ko naman sa iyo na hintayin mo ako hindi?” sabi ng ginang habang nakatingin sa bata. “Nanay, nanay kasi may lalakeng biglang kumausap sa akin pula ang mga mata at sabi niya sa akin ay gusto ko raw bang magkaroon ng kapangyarihan, tumango naman ako nanay, sabi ko ay oo tapos bigla siyang

