Chapter 37 Lahat ng nasa loob ng silid ay tahimik at hindi nagsasalita. Namangha ang mga lider sa lakas na ipinamalas ni Sayah nang atakihin nito si Tala. Si Tala ay sumadsad sa pader at nahihirapan na makabangon dahil sa lakas ng sipa na ibinigay ni Sayah dito. “Ang aking desisyon ang pinal. Ngayong araw din ay ipapatawag ko ang iyong mga magulang upang sabihin ang pangyayaring ito— Ang pagsasalita ni Kizo ay naputol nang magsalita si Talaza, “Huwag! M-maawa kayo! Papatayin ako ni ama! Ang alam nila ay isang taon na lang at magiging vampire hunter na ako, kasiraan sa pamilya namin ito! m-maawa ka, Master Kizo! Nagsisisi na ako, nagsisisi na ako sa ginawa ko! P-patawad, Pika! P-patawad, Sayah!” Ang mga malalamig na mga mata ni Sayah ay nakatingin lamang kay Tala. Naaawa siya sa babae

