Chapter 24 Hindi dumating si Xen nang araw na iyon sa kanilang pagsasanay, kaya’t ang ginawa ni Sayah ay inulit na lamang niya ang ilang naituro ni Xen sa kaniya upang hindi masayang ang buong araw na pamamalagi nila sa bundok. Bigla naman nag-alala si Pika nang hindi sumulpot si Xen sa kanilang pagsasanay. Hindi raw ito ganoon, kapag sinabi nito ay gagawin nito na darating ito ay darating ito. “Baka mayroon kailangang gawin?” sabi ni Sayah kay Pika. Malungkot ang itsura nito habang yakap ang dalawang binti. Nasa itaas pa rin sila ng bundok at nagpapalipas ng oras. Napagpasyahan nilang dalawa na mamaya na bumalik ng headquarters dahil inaabangan nila ang paglubog ng araw. “Hindi, kilala ko si Xen simula bata pa lang siya, kapag may sinabi siya ay sinusunod niya kahit pa may biglaang

