Chapter 60 Hanggang makalabas ng opisina ni Kizo ay hindi pa rin makapaniwala si Calixia. Ang buong akala niya ay sa susunod na buwan pa siya magiging isang ganap na vampire hunter. “Ipinakita mo ang iyong galing sa pakikipaglaban, ipinakita mo na handa ka na upang maging isang ganap na vampire hunter. Iyon ay sapat na dahilan upang hindi ko na patagalin pa ang pagbibigay ng titulo sa iyo, Calixia,” sabi ni Kizo, “Tumulong ka sa maraming tao sa buong lost world, Calixia, huwag mo akong bibiguin.” Dala-dala niya ngayon ang kaniyang katana. Iniabot iyon sa kaniya ni Kizo kanina pagkatapos nitong sabihin ang mga bagay na kailangan niyang malaman sa pakikipaglaban. Sinabi rin ni Kizo sa kaniya na ang kapangyarihan ay hindi dapat gamitin upang mangmaliit ng kapwa, hindi ito dapat gamitin u

