Chapter 59 Nang mag-usap usap ang mga lider ng vampire hunters ay naroon din si Sayah pati na si Xen. Pinangunahan ni Kizo ang pagpupulong at sinabi nito na lahat ng mapapag-usapan sa silid na iyon ay mananatili lamang sa loob ng silid na iyon. “Kung ganoon ay si Sayah ang nakapaslang sa bampira na sinasabi ninyo?” tanong ni Kizo. Tumango naman si Xen sa itinanong ni Kizo. Nakaramdam naman ng tensyon si Sayah sa loob ng silid. Lahat ay seryoso pati na si Xen. Mukhang hindi inaasahan ng lahat ng naroon na mayroong bagong binuo ang mga kalaban upang mas maparami ang mga bampira na pumapaslang sa buong lost world. “Magaling, Sayah, nakikita kong handa ka na nga upang gumawa ng mga misyon sa labas ng vantress.” Sabi ni Kizo. Yumuko lamang siya sa sinabi ng pinuno at pagkatapos ay iniangat

