Chapter 58 Naghiwa-hiwalay rin sila nang hapon na iyon. Dumaan muna sila Sayah, Pika at Xen sa bahay nila Monse at nagpaalam sa mga ito. Nang malaman ni Monse ang nangyari sa kanila ay sobra itong nangamba, iyon daw ang ikalawang beses na nangyari iyon sa bayan ng priyesa. Hindi raw madalas atakihin ng bampira ang bayan ng priyesa dahil halos ang mga vampire hunters ay doon namamalagi. Sinabi sa kanila ni Monse na noong binata pa ito ang unang beses na may umatake roon na bampira at ngayon na lamang muli naulit ang pangyayari. Binawalan na muna ni Monse si Pen, Miguel at Nigel na lumabas ng bahay matapos ng pangyayaring iyon, habang si Xen naman ay sinabi rito na magdaragdag sila ng tauhan na magbabantay sa bayan upang masiguro ang seguridad ng mga nakatira roon. Habang pauwi sina Saya

