Chapter 61 Pumasok sa loob ng silid si Sayah, ang mga mata ni Hylos at Kizo ay nasa kaniya lamang hanggang makapasok siya. Nararamdaman niya ang kaseryosohan ng mga ito kahit pa may ngiti sa mga labi. “Ngayon ko nga lang napansin ito, Master, may pagkakamukha sila ng isa sa paborito mong estudyante noon, ano na nga ang pangalan niya? Iyong babaeng may kamay na bakal, iyong madalas kaaway noon ni Zico?” tanong ni Hylos. Yumuko si Kizo at binuksan nito ang drawer sa table, may kinuha ito roon at pagkatapos ay inilapag sa lamesa. Napatingin si Hylos sa bagay na inilapag sa lamesa at ganoon rin siya. Isang larawan ang inilapag ni Kizo, at sa larawan niya iyon nabilang niya na pito ang naroon. Nakilala niya kaagad ang lima na nasa larawan. Sina Kizo, Uzni, Driz, Lorcan at Jika, ngunit ang d

