Chapter 22 Habang kumakain si Sayah ay nakatingin sa kaniya si Pika, nakangiti ito at pinagmamasdang ang bawat pagkilos niya. Nang makita nila ang laman ng kahon kanina ay pati ito natuwa, sabi ni Pika sa kaniya ay napakabuti ng nagbibigay sa kaniya ng mga gamit, ang ibang mga miyembro daw kasi ay pinapadalhan ng mga pamilya nito at kung minsan ay nakakalimutan pa. Sinabi ni Sayah kay Pika na wala naman siyang pamilya na magpapadala ng mga gamit sa kaniya, siguro ay si Zico ang naglagay ng mga gamit na ‘yon, dahil noong nakaraan ay si Zico ang nagbigay sa kaniya ng ilang mga damit at ang boots na suot niya. “Pero nakakalungkot naman ang iyon kinwento, Sayah Sayah Sayah, hindi ko lubos maisip na mayroong kang pinagdadaanan na mahirap, masakit at nalulungkot ako para sa ‘yo,” sabi ni Pika

