Chapter 69 Tumawang muli si Uzni at malakas na ang tawa nito sa pagkakataong iyon. “Akala ko ay hindi mo tatanungin ang tungkol sa kaniya. Alam mo Sayah, mabait na tao si Hylos, medyo kakaiba lang iyong klase ng pag-iisip niya pero mabait siya at maaasahan. Matulungin rin.” Sabi ni Uzni, “Noon ay ang alam ko nagsasanay din siya upang maging isang vampire hunter, noon pala ay kaya siya nasa headquarters ng vantress ay upang magsanay kung paano gumamot gamit ang mga halaman na kaniyang pinag-aaralan. Sinabi niya noon sa akin na isa si Master Kizo sa mga nagtuturo sa kaniya, at kaya siya naroon ay maraming mga libro ang headquarters ng vantress tungkol sa mga halamang panggamot.” Hindi maisip ni Sayah kung anong klaseng bata si Hylos noon. Siguro ay napakakulit din. Ngayon na matanda

