Chapter 56

1207 Words

Chapter 56 “Magsialis na po muna kayo sa lugar na ito!” “Alis na po muna! Hindi po natin alam baka nasa paligid lang ang mga kalaban!” Sigaw ni Pika at ni Pen sa mga taong nakikiusyoso sa nangyari. Parang hindi takot ang iba sa mga ito, dahil naroon pa at nakikinig sa kanilang pag-uusap at pinapanood ang kanilang ginagawa ni Xen, habang iniikot ang buong lugar. Nilibot ni Sayah ang paligid nang pinangyarihan. Nang maglaho ang katawan ng lalake ay pinulot niya ang hiringgilya na tumama sa batok nito. Iyon ang unang beses na muli niyang nakita ang ganoong pangyayari matapos ng limang taon. “Nasaan kayo nang mangyari ito?” tanong sa kaniya ni Xen. Naupo si Sayah upang tingnan ang lupa, nang makita niya ang ilang patak ng dugo doon ay kaagad niyang kinuha sa loob ng kaniyang damit ang is

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD