bc

Instant Mom

book_age16+
111
FOLLOW
1K
READ
family
age gap
submissive
drama
sweet
bxg
city
coming of age
wife
nanny
like
intro-logo
Blurb

Malapit na akong palayasin sa apartment ko. kinse pesos nalang ang laman ng bulsa ko at napaka saklap pa na usapan ay wala na akong allowance dahil kaka graduate ko lang. Pag tinamaan ka nga naman ng malas.

Bente tres, biniyayaan ng magandang mukha at katawan pwera sa pera.

Instant money ang hanap ko pero bakit ako biglang naging nanay...

chap-preview
Free preview
Prologue
Kanina pa ako palakad lakad sa Seaside Moa habang nakapamulsa at kinakapa kapa ang kinse na natira mula sa huli kong allowance. Kung ang iba ay nagdiriwang na grumaduate na ako naman nagluluksa. Napaka strikto ng mga magulang ko. Isa na ang wala ng suporta o allowance pagkatapos mag college. Napaupo nalang ako sa isang tabi habang naiinggit sa mga batang naghahabulan at may hawak na candy. oo nakakainggit sila, wala silang problema, malaya silang maglaro nang hindi iniisip kung may mauuuwian pa ba sila o wala na. Kanina pa sumasagi sa isip kong mang hablot ng candy tapos bahala na kung umiyak pero di ko magawa dahil may konsensya pa naman ako. Napatayo na lang ako at napailing na nakapamulsa at muling naglakad. taimtim na nagdarasal "Lord walang wala na akong pera at tiyak na tatalak na naman si Aling Zeli pagdating ko sa apartment. Sana makapulot ako kahit magkano." Desperada na talaga ako pero napahinto ako nang may batang humarang sa akin at humawak sa pantalon ko. Tinitigan ko syang mabuti napaka amo ng muka nya siguro nasa 3-4 years old na. Mala gatas din ang kulay nya. Siguro nawawala sya. “Mmmm" ani ng bata. “Mmmm??" Napatanga ako sakanya at iniisip kung anong sasabihin nya. “Maaaa" habang sinisinghot ang tumutulong sipon at biglang umiyak. Napatingin ang mga dumadaan na mga tao, iniisip kaya nila na ako ang nagpaiyak? Jusme di ko nga kilala ‘tong bata na to. “Tahan na hahanapin natin si mommy mo, okay" napahinto sya sa pag iyak at itinaas ang kamay at itinuro ak- ako?! “Maaam, ma" Hindi ko to anak bat nya ako tinatawag na mama? “Listen baby di ako ang mama mo pe-" bigla na namang umiyak at wala akong nagawa kundi pumantay sa bata habang hinahagod ang likod para tumigil na sa pag iyak. Napalinga linga ako nagbabaka sakaling may makitang magulang na naghahanap sa bata ngunit wala. Muling may itinuro ang bata, ice cream, hindi ako napalaking ice cream ang nagpapatahanan sa pag iyak pero anong magagawa ko? mukang yayamanin ang batang ‘to base sa pananamit. Lumapit kami kay mamang nagtitinda ng ice cream “ Manong magkano ho ang ice cream?" “bente lang iha" jusko mahabagin kinse na nga lang ang pera ko... napatingin ako sa bata at di maalis ang titig nito sa ice cream. Lumapit ako kay manong sabay bulong “kinse lang ho pera ko eh, ayaw tumahan ng bata hinahanap nanay nya baka pwedeng kinse nalang ho" napatitig sa akin ang tindero “Akala ko anak mo? hawig mo eh" napakamot nalang ako sa batok sabay iling “oh sya dahil napaka gwapo naman netong anak mo libre na" hay salamat akala ko e magiging bato pa ang kinse ko. Habang naglalakad kami na magkawak kamay naisip ko kung makakatulog ba ako kung aagawan ko ‘tong bata ng ice cream tulad ng iniisip ko kanina pero napahinto kami, lumuhod ako sa harapan nya para kausapin sya. “ Ano bang pangalan mo?” nagpunas pa sya ng sipon sabay sabing "Tabbbyy" tabi? bat naman tabi papangalan sa napaka cute na batang ‘to. “Nasaan ang parents mo?" umiling iling ang bata na parang sinasabing hindi nya rin alam. Patuloy kaming naglalakad nagbabaka sakaling makita ang guardian nya hanggang sa palubog na ang araw. Huminto muna kami para pag masdan. Ito lang ata ang magandang nanyari sa akin ngayong araw. Paano ako makakahanap ng trabaho at saang lupalop ako hahanap ng matutuluyan dahil paniguradong naka abang na si Aling Zeli. Nabalik sa realidad ang pag iisip ko nang mabilis na tumakbo ang batang nakita ko lang kanina. Hinabol ko ito dahil baka kung saan pumunta, napakarami pa namang tao dito. Napahinto ako dahil nakita kong niyakap nya sa binti ang isang lalaking matangkad, gwapo at may magandang mata. “Gabby where have you been" Napatingin sya sa akin at nagtanong “Ikaw ba nakakita kay Gabby?" napa tanga pa ako sa itsura nya sabay tango. Lumapit sila sa akin at nakita kong nanlaki ang mga mata ng lalaki. “Amelie" mahinang bigkas nya. Sino si Amelie. “Ah, Hindi ho Amelie pangalan ko Ez po"(Easy) Tiningnan nya ang buong mukha ko at noong narealize na nya na masyado na syang nakatitig “Sorry ako nga pala si Stefan at ito ang anak ko si Gabby" Gabby pala akala ko tabi. Di nga ako nagkamali mayaman nga sya base sa suot at relo nyang rolex. Niyaya nya akong kumain bilang pasasalamat at syempre hindi na ako tumanggi dahil paniguradong huling masarap na kain ko na ‘to. Dinala nya kami ni Gabby sa isang mamahaling restaurant at syempre hinayaan ko na syang umorder bukod kase sa mahirap ibigkas eh hindi rin naman ako ang magbabayad. Pagdating ng mga pagkain halos malula at napalunok nalang ako parang ibibigti na ako pagkatapos naming kumain. “Sobra sobra naman ‘to para sa ating tatlo" napangiti lang sya at sumenyas na kumain na ako. parang nawala lahat ng problema ko sa dami ng pagkain. Sinusubuan naman ni Stefan ang anak nya. Grabe sobrang perfect naman kung mag ama ko ‘to pero napaka imposible naman. “So Ez tell me about yourself" huh? teacher ba ‘to anyway dahil sa daldal ko e andami kong nasabi. “Kaka graduate ko lang ng education at malamang sa malamang mapapalayas na ako sa apartment. Naghahanda pa lang ako sa board exam hindi ko na alam saan kukuha ng pera dahil golden rule ng magulang ko na once nakatapos na ng college wala na akong allowance o suporta mula sa kanila. Alam mo kung hindi ko pa nakita ‘tong anak mo siguro hindi na ako makakatikim ng mga pagkaing ito." sa haba ng sinabi ko ay nakangiti lang si Stefan, napatakip ako sa bibig “Sorry kanina ko pa kase iniisip ‘tong mga problema ko" inabutan nya ako ng number nya “Kung may maitutulong ako pwede mo akong tawagan sa numerong yan" inalok nya pa ako na ihatid pero tumanggi na ako dahil siguradong uusisain lang ni Aling Zeli kung sino ‘tong mag-ama. Hinatid ko sila sa parking lot para magpaalam na pero tinawag ulit ako na mama ni Gabby, dito nagulat si Stefan “Nagsalita ba sya?" nagtaka naman ako hindi naman siguro manika ‘tong bata para hindi magsalita. Umiyak si Gabby at tinuturo ako “Maaaaa" dito na talaga nagulat si Stefan. Bumaba sa pagkaka karga si Gabby at yumakap sa binti ko. “Mabuti pa ihatid ka na namin para hindi na umiyak si Gabby" Wala na rin akong choice kaya tumango na ako at sumakay sa front seat habang kalong si Gabby. Malapit lang ang apartment namin pero napatagal dahil sa traffic. tinatapik tapik ko din ang puwitan ni Gabby para makatulog sya. Napansin kong tahimik si Stefan kaya di ko na natiis at nagsalita na “Bakit nga pala parang nagulat ka na nagsalita si Gabby?" matagal syang natahimik at parang nag aalinlangang sumagot. Nahihiya na ako kaya sinabi kong hindi na nya kailangang sagutin kung hindi sya komportable. “Hindi naman sa ganon. 3 Years old sya nang mamatay ang mama nya si Amelie, hawig mo sya." dito ako napalingon sa kanya, kaya siguro ako tinatawag na mama ni Gabby. “Simula noon hindi na ulit nagsalita si Gabby, isang taon na ang lumipas ilang doctor na rin ang napuntahan namin pero walang nangyari ganon pa din, hanggang iyak lang sya pero ayaw magsalita kaya naman nagulat ako kanina." Gusto ko pa sanang itanong ang mga bagay tungkol kay Amelie pero mukhang hindi komportable si Stefan. Baka hindi maganda ang nangyari kay Amelie kaya minabuti ko nalang na tumahimik. Itinuro ko ang daan papuntang apartment. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang busangot na mukha ni Aling Zeli na naka abang sa labas. Inayos ko ng pag kakasandal ang ulo ni Gabby sa upuan para hindi sya magising. Maingat akong lumabas sa sasakyan at lumapit kay Aling Zeli. Nang makita nya kung gaano kagara ang sasakyan ay napangiti sya. Dakilang chismosa si Aling Zeli at ang mga ganitong bagay ay di pangkaraniwan sa aming mahihirap kaya naman siguradong mang uusisa ‘to. “Aba aba Elle mukhang naka bingwit ka ng mayaman ha" sabay lahad ng palad “bayad mo ilang buwan kang walang binayad ha, hindi porket nakatapos ka na ng pag aaral e kakalimutam mo na ang obligasyon mo." Lumabas sa sasakyan si Stefan at lumapit. “Magandang gabi po may problema po ba?" nakakahiya paniguradong ichichika ni Aling Zeli ang utang ko. “Aba eh itong batang ‘to tatlong buwan na hindi pa rin nagbabayad, nobya mo ba to?" “Naku hindi po tinulungan nya lang po ako kase nawala sa paningin ko yung anak ko" “Aba may anak ka na? Mukhang ang bata mo pa ah” “Ah opo may anak na po ako, pwede po bang ako na ang magbayad bilang pasasalamat ko kay Ez" “Syempre naman para hindi na ako mamroblema kakasingil" nag abot ng pera si Stefan na sobra sobra pa. Aangal na sana ako kaso pinanlakihan ako ng mata ni Aling Zeli kaya natahimik ako. “Salamat iho ha?" ngumiti lang si Stefan. Sinundan ko si Stefan hanggang sasakyan para magpasalamat “Salamat talaga tsaka pasensya na sa mga sinabi ni Aling Zeli, tatawagan kita dito sa number na binigay mo gusto kong bayaran yung utang ko" “Ano ka ba wala kang utang kulang pa nga yan para magpasalamat dahil di mo pinabayaan ang anak ko" sumakay na sya at umalis. napayuko nalang ako habang iniisip kung saan ako hahanap ng trabaho. Pagpasok ko sa kwarto himalang walang baklang maingay ang sumalubong sa akin. Napahiga nalang ako sa kama at napapikit. Nakatulog ako at nagising ako sa isang malakas na yugyog at tili ng bakla. “Bakkklaaaaaa kang haliparot ka gumising ka at baka malaglag ang obaryo ko sa mga nalaman ko" hay nako ano na naman kayang nakapa halagang bagay ang gustong sabihin nito at nanggising pa talaga “Ano bang sinasabi mo dyan?" “Ano ‘tong chinichika ni Aling Zelita na may gwapings daw na mayaman at mabango ang nagbayad ng renta mo" “Ah wala yun wag mo na alamin" “Shokla ka di ko naman aagawin chikadora lang at gusto ko makilala" kinwento ko na ang nangyari kanina para matahimik na ang kaluluwa ng bakla. Napatango tango sya. Nang matapos ang kwento ko ay lumayas na rin ang bakla para maligo. napaka linis sa katawan ng bruhang yun dalawang beses kung maligo. “Reynaldooo bilisan mo na dyan naiihi ako" ayaw na ayaw nya na tinatawag sya sa pangalan nya kaya siguradong nanggagalaiti na naman si bakla. Tama nga ako lumabas syang nakatuwalya sabay sigaw “Hoy Ezraelle na haliparot Reina ang pangalan ko, Reina , Reina ng kagandahan matagal ko ng ibinaon sa hukay yang Reynaldo na yan" nakapamewang pa at nakaharang sa pinto ng cr. “oo na Reina tumabi ka at sasabog na ang pantog ko" pag ka lock ko ng pinto ay di pa rin nya tinigilan ang kakasumbat nya sa pangalan nya. Paglabas ko ay abala na si Reina sa mga order na tinda nya. Bilib din ako dito sa baklang to dahil napaka raming raket di nauubusan ng trabaho ‘to pero minsan nahihiya na rin ako sa kanya kase madalas sya ang sumasagot ng pagkain dito sa dorm. Tinutulungan ko din sya minsan sa mga tinda nya hindi nga lang consistent kase nag aaral ako noon. “Reina wala ka bang raket dyan? baka pwede mo akong ipasok alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" “Haynako te bat naman kase ganyan ang parents mo?" “Ganon kase sila pinalaki kaya alam mo na" “Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kuya mo?" “Isa pa yang problema manganganak na asawa nya kaya paano ako hihingi?" dahil walang bakanteng raket si bakla ako na ang pinag pack nya ng mga order sa kanyang damit, pabango, sandals at iba‘t ibang abubot. Kinabukasan kape lang ang almusal ko at nag umpisa na agad mag pack ng orders dahil sa dami nito. Maaga ring umalis si Reina dahil sa dami ng trabaho nya. Habang nag papack ay inaalala ko si Gabby. Kumusta na kaya sya sana hindi sya umiiyak at sana hindi nahihirapan si Stefan sa kanya. Mabilis akong natapos mag pack at may kumakatok sa pinto. Si Zeiro pala ang anak ni Aling Zeli, nag dedeliver ng tubig sa mga kwarto dito. “Ate Elle lima ‘tong galon ng tubig na binilin kaninang umaga ni ate Reina, bayad na po ito" Limang taon ang tanda ko kay Zeiro kaya naman ate. Pinatuloy ko sya at itinuro kung saan nya ilalagay ang galon ng tubig. Pagka alis nya ay tumunog ang cellphone ko tumatawag si mama. “Hello po ma, kumusta po" “Ayos naman kami ng papa mo Elle may pera ka pa ba" Kahit gaano ko kagustong umoo alam ko ring mahal ang gamot ni papa buwan buwan. “Ah opo meron pa naman po tsaka tumutulong din po ako kay Reina sa mga tinda nya" “Ganon ba pasensya ka na ah hindi kase matiis ng papa mo ang kuya mo at naglaan na ng pera para sa panganganak ng ate Lizi mo" Ganoon talaga Ilang taon na rin kaseng nakatulong si kuya kila mama kaya naman hindi sya matiis nila papa samantalang ako kaka graduate ko pa lang. Pagkatapos ng tawag ay naligo na ako para mahimasmasan at makapagluto na dahil isa lang yang ambag ko sa lahat ng tulong ni Reina. Marami namang pagkain dito sa apartment dahil hindi tinitipid ni Reina ang kwarto namin sa pagkain dahil aniya hindi na baleng maubos ang pera sa pagkain, hindi sya nanghihinayang na maglabas ng pera para sa pagkain kapalit ng halos 24hrs nyang trabaho. Napaaga ang uwi ni bakla dahil sa wala naman daw masyadong customer sa salon. Inabutan nya ako ng dalawang libo. “Advance na payment yan para sa pag pack mo ng orders” walong araw na sahod ko na ‘to. ganon talaga mababa ang bigay kase raket lang naman at hawak ko naman ang oras ko. dalawa hanggang tatlong oras lang naman akong magpack ng orders sa isang araw. “Salamat bakla da best ka talaga" “Tonta hindi ako fan ng drama kaya mag hain ka na dahil gutom na ang bakla." Pagsapit ng gabi ay nag umpisa na akong mag review para sa board exam. Yung ibang mga ka batch ko grupo grupo kung mag review, niyayaya nila ako pero umayaw ako dahil na rin sa alam kong hindi ako makaka pag pokus kung maraming tao sa paligid ko. Si Reina naman ang nag hugas at naglinis dahil alam nyang mag aaral ako. Ang ibang may kaya naman ay nag ha hire pa ng tutor para sa review. Matataas ang grades ko kung tutuusin pwede rin akong maging tutor kaya lang iniisip ko na mababawasan ang oras ng pag aaral ko. Tahimik na nanonood si Reina ng tv habang ako ay abalang abala sa pag rereview. Maya‘t maya kong tinatapik ang ballpen sa mesa dahil kung saan saan lumilipad ang isipan ko. Naalala ko naman si Gabby kumusta na kaya sya. Binasag na ni Reina ang katahimikan ng mapansin nyang hindi ako tumitigil sa pagtapik ng mesa. “Anong problema mo bakla ka?" Kinuwento ko sakanya yung parte na akala ni Gabby ako ang nanay nya. “Taray bakla may kamukha ka pa pala kala ko rare yang pag mumukha mo" Napabuntong hininga na lang ako “Hindi ko nga alam kung anong kalagayan ngayon ng bata, naaawa ako kase ang bata pa nya nang mawala yung mama nya" “Bat hindi mo tawagan? diba may number naman na binigay?" “Nahihiya ako baka kase may girlfriend o step mom yung bata ayoko naman mapa away" inirapan lang ako ng bakla “Nako te di ka rin naman mapapakali kakaisip kung kumusta na sila kung hindi ka tatawag diba?" napaisip din ako alam kong tama si bakla pero nanaig sa akin ang hiya. “Bahala na te mas marami pa akong dapat alahanin, pag nag karoon ka ulit ng mga raket wag mo akong kalimutan ha?" “Syempre naman Ez alam kong kailangan mo". Panganay sa sampung magkakapatid si Reina, bread winner nasa probinsya ang mga kapatid at nanay nya kaya naman kayod kalabaw sya para makapagpadala at mapag aral ang mga kapatid nya. Maagang iniwan ng kanilang tatay kaya naman sya na ang tumayong tatay kahit bihis nanay. Hindi na sya nakapagtapos ng elementary kaya naman tinutulungan nya ako kahit sa pagkain lang para hindi ako magtrabaho habang nag aaral pero iba na ngayon may sakit ang nanay nya kaya doble trabaho sya. “Alam mo te mag tetrenta na ako wala pa rin akong sariling bahay, iniisip ko sila nanay yung mga kapatid ko paano kung wala akong trabaho o magkasakit ako?" Sa dami ng problema sa mundo isa pang mabigat na pasan ni Reina ay ang boyfriend nyang hindi nya maiwan iwan. “Si Tado nanghihingi ng motor san ako kukuha ng pambili" “Bat kase hindi mo pa iwan pineperahan ka lang naman, pagka laki laki ng katawan hindi magtrabaho." “Mahal ko te hindi ko kaya" napailing nalang ako palibhasa‘y hayskul pa ang huling nobyo ko . “Nako pag ikaw nagmahal maiintindihan mo rin ako" “Hindi rin kahit kase pigain ako wala ring makukuhang pera saakin" “Nakuuu kaya ang jowain mo ay yung mayaman, mabango, may kotse at may anak" “Parang may tinutukoy ka dyan ah?" “Wala ah inosente ang bakla walang tinutukoy na Stefan." Binato ko sya ng ballpen at nagtago naman si bakla sa kwarto. Hindi ko na namalayang alas dose na pala ako natapos sa pag aaral. Pagpasok ko sa kwarto ay humihilik pa si Reina kaya dahan dahan akong pumunta sa kama para matulog na. Maliit lang tong apartment namin. maliit na sala at pader lang ang naghihiwalay sa sala at kwarto habang may dalawang magkahiwalay na kama. tig dalawang libo ang upa namin. Strikto si Aling Zeli sa oras ng pagbayad kaya lamang ako inabot ng tatlong buwan ay dahil naospital noon si papa at nakapagpakita naman ako ng patunay kaya hinayaan ni Aling Zeli na umabot hanggang tatlong buwan. Pumikit na ako para matulog para maagang makapag umpisang mag pack ng orders. Kinabukasan alas otso na ako nagising. Wala na sa kama si Reina siguro ay nasa salon na ito. Paglabas ko sa sala ay naamoy ko agad ang bango ng sinangag himala at andito pa si bakla. “Good morning haliparot kumusta ang tulog?" “Morning wala kang pasok?" “Beauty rest ko muna today di keri ng katawan ko sumasakit tinawagan ko na si Mader Lily na di ako makakapasok todaylalu" “Ganon ba sana ginising mo na lang ako para ako na ang nagluto" “Te ang himbing ng tulog mo ayoko namang sirain at baka nananaginip ka ng isang mayaman, may kotse at mabangong papi" natawa nalang ako sa way ng pag describe nya kay Stefan. Pagkatapos kumain ay nagpresinta na akong maghugas isinabay ko na rin ang paglilinis sa buong apartment at balak ko na ring maglaba. “Ez tumawag si Madam Lily pinalayas na daw nya ang mahaderang si Cynthia dahil tatlong beses na nangupit sa salon, hinahanapan ako ng kapalit binanggit kita." Si Cynthia ang taga linis at nag aassisst sa mga customer sa salon. “talaga ba Reina? Nako salamat kailan naman ang umpisa?" “Bukas na bukas din sumabay ka na sa akin at sa gabi ka na mag pack ng orders tapos sa sunod na araw mo ipadala" napaisip naman ako ibig sabihin isa hanggang dalawang oras nalang akong makakapag review pero hindi bale kailangan ko ng trabaho. “Sige Reina salamat anong oras ba ang trabaho?" “ alas otso hanggang alas singko lang. Linis ka lang at kahera.” Inumpisahan ko na ang paglalaba para bukas ay wala na akong iisipin. Si Reina ulit ang nagluto ng pananghalian kapalit ng pagsasabay ko ng damit nya sa paglalaba. Pagdating ng tanghali ay saktong tapos na ako sa paglalaba. Pagkatapos naming mananghalian ay nag umpisa na ulit akong magpack ng orders. Dalawang oras din ang inabot, Nagpapahinga si Reina dahil sa sakit ng katawan. Hapon na nang tumawag ako ng kukuha ng mga orders para ihatid sa mga customer. Dumaan ako sa palengke para bumili ng lugaw dahil request ni Reina at bumili na rin ng ointment sa botika. Pagbalik ko ng apartment ay hinarang ako ni Aling Zeli, “Elle asan na yung gwapo mong nobyo?" walang interes si Aling Zeli sa buhay ng sinuman pwera sa chismis. “Hindi ko ho yun nobyo tinutulungan ko lang dahil nakita ko yung anak nya" makikita sa mukha nyang hindi sya naniniwala “Naku hindi mo ako maloloko, napaka yaman non kelan ba ang balik non?" napailing nalang ako at ilang beses pang sinabing hindi ko nobyo si Stefan. “Osya kung hindi ko nobyo edi hindi, naniniwala na ako. Dalhin mo nalang dito at nang maipakilala ko kay Zeirra" Hindi naman fan si Aling Zeli ng Z sadyang iba lang talaga takbo ng utak nito. Si Zeirra ay ka edad ko, anak nya na nasa ikalawang taon ng college, nauna ako dahil bulakbol at pahinto hinto si Zeirra sa pag aaral. “Paniguradong hindi ho magugustuhan ni Stefan si Zeirra" literal na higad ang babaeng yun lahat ay papatusin. Hindi na para sabihin pa sa harap ni Aling Zeli ang mga yun at baka mapalayas pa ng wala sa oras. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may halong insulto ni Aling Zeli “Kung ikukumpara naman sayo eh di hamak na lamang na lamang ang Zeirra ko ano" napatango tango na lang ako at di na pinaglaban pa ang gustong sabihin dahil alam kong babarahin lang ako ng babarahin ng bruha este ni Aling Zeli. Pagpasok ko sa apartment ay inilapag ko agad sa mesa ang lugaw at unting tinapay na nabili sa palengke. Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing ang tulog ng bakla kaya hindi ko na sya inistorbo at dumeretso na sa sala para mag aral. Alas syete na nang magising ang bakla at inutusan akong mag init ng lugaw nya. Hirap pa rin syang kumilos kaya naman nag presinta na akong hilutin sya para makapasok sya sa trabaho kinabukasan. Mabilis na nakatapos sa pagkain si Reina at nakainom na rin sya ng gamot. Marami kasing stock na gamot dito dahil alaga talaga sa katawan si Reina. Agad din syang bumalik sa pagtulog. Nagluto nalang din ako ng itlog at inubos ang natirang lugaw. Pagbalik ko ng lamesa para mag review ay biglang umambon kaya naman kinuha ko na sa balcony ang mga sinampay at nilipat sa loob. Lumakas ng lumakas ang ulan kaya naman minabuti kong itigil na ang pag aaral dahil hirap talaga akong mag aral kapag maingay ang paligid ko. Kinabukasan ay alas sais palang gising na ako dahil masaya ako sa unang araw ng trabaho ko sa salon. Habang nagluluto ay nagising na rin si Reina agad syang dumiretso sa banyo para maligo “Reina ayos na ka na?" sigaw ko mula sa labas “Ayos na te, Salamat sa pag hilot" sigaw nya pabalik. Naghain na ako ng kanin, itlog, hotdog at ang paboritong kape ni Reina para mas gumaan ang nararamdaman nya. “Salamat bakla ah kung lalake lang ako aasawahin na kita" “Mga biro mo bat hindi pa natin totohanin?" tila nandidiri naman ang mukang ipinakita nya sa akin “Jusko hindi papayag ang jowa kong si toda at hindi rin ako papayag tonta ka" natawa nalang ako dahil wala naman akong balak totohanin. Pagkatapos kumain ay naligo na ako maaga pa naman dahil alas otso pa ang umpisa. Si Reina naman ang naghugas. Nagsuot lang ako ng t shirt at pants, nagsapatos na din ako para naman hindi isipin ni Madam Lily na hindi ko sineseryoso ang trabaho. Abala naman sa pag ma make up si Reina dahil routine na nya ang magpaganda. Nakatitig lang ako sakanya dahil sa husay nya “Imbes na tumitig ka dyan ay lumapit ka dito ang mag make up na din" umiling ako alam naman ni Reina na hindi ako marunong at hindi rin maalam. “Echosera, palibhasa‘y concealer lang ang kailangan mo hindi tulad kong makapal na funda ang kailangan." Habang hindi pa tapos sa pag aayos si Reina ay nagtiklop muna ako ng damit para mamaya ay hindi na mabawasan ang trabaho ko. “Ez nag text sa akin si Tado nangungulit tungkol doon sa motor na hinihingi nya" “Sinabi ko naman kaseng iwan mo na yan bago ka pa iwan kapag nakuha na ang gusto nya." “Hindi naman siguro, pinaparamdam naman nya saking mahal na mahal nya ako" “Natural may kailangan sayo kaya ganon." Madalas magkwento si Reina tungkol sa kanila ni Toda pero hindi naman nya ginagawa lahat ng advice ko kaya nakakapagod lang magsalita. Pagkatapos nya mag ayos ay tumulak na kami papuntang salon. dalawang kalye lang mula sa apartment ang salon kaya nilakad nalang namin. Maganda na ang panahon di tulad kagabi na malakas ang ulan. Kung minamalas ka nga naman oh, nakasalubong pa namin si Tado. Naninigarilyo kasama ang barkada habang may hawak na beer, yan ang almusal ng Tado na to sumensyal si Reina na saglit lang at mag uusap sila kaya tumango nalang ako. Lumayo sila ng bahagya, alam ni Tado ang tingin ko sa kanya kaya naman iwas sya sa akin. Alam nyang tutol ako sa relasyon nila ng aking kaibigan. Nakikita kong mukang hindi sila nagkakasundo sa pinag uusapan nila kaya minabuti kong lumapit. Nang malapit na ako ay biglang nag walk out si Tado. “Anong problema ng Tado na yun?" napabuntong hininga sya habang nangingilid ang luha “Makikipaghiwalay daw sya sa akin kapag hindi ko naibigay ang gusto nya" dito na tuluyang tumulo ang luha nya. Niyakap ko sya at maya maya lang ay tumahan na sya. “Bakit kase mahal na mahal ko ang Tado na yun, anong gayuma ba ang meron sya bukod sa malaki nyang katawan, tara na nga at mag aalas otso na." Pagdating namin sa salon ay sarado pa ito. “Alas nwebe pa dumadating si Madam Lily kaya ako ang nagbubukas ng salon, Sa tagal ko nang nag tatrabaho dito ay ako ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Madam Lily." Hinalungkat ni Reina ang bag nya at mababanaag mo ang kaba sa mukha nya. “Ez naiwan ko ata ang susi sa apartment, dito ka lang babalikan ko." “Hindi na sasamahan na kita para mapabilis ang paghahanap sa susi." Pagbalik namin sa apartment ay naabutan pa namin si Aling Zeli sa tapat ng kwarto namin. “Oh kaya pala walang sumasagot, umalis pala kayo gusto ko lang kayong imbitahin birthday ngayon ng maganda kong si Zeirra, kung madadala mo yung binatang gwapo noong isang gabi ay mapaparami ang ma tatake out nyo" Napailing nalang ako grabe talaga ang mga insulto ni Aling Zeli kung minsan, hindi halata, hindi talaga. “Salamat nalang po pero may trabaho pa kami at marami pa ho kaming gagawin, pasabi nalang ho kay Zeirra Happy Birthday" “Kayo na nga inimbita hindi pa kayo dumalo" habang pailing iling na umalis. "Grabe talaga si Aling Zeli ano? baklang yun iba ang turing sa ating magaganda, palibhasa mas maganda ka kay Zeirra" natawa ako sa sinabi ni Reina. “ Totoo naman ah kung matangkad ka nga lang ng unti malamang sa malamang makakasali sa mga pageant sa school nyo, nabiyayaan lang naman si Zeirra ng height at landi kaya nananalo." “Tama na nga yan Reina baka mahuli pa tayo sa trabaho."Pag pasok namin sa apartment diretso agad kami sa kwarto para hanapin ang susi. hinalughog na namin ang mga gamit pero wala pa rin. Pagpunta ko sa sala ay nagpatuloy ako sa paghananap pati sa kusina pero wala pa rin. Maya maya lang ay may kumakatok “Saglit lang sino ba yan." Bumalik ako sa kwarto at naghahanap pa rin si Reina “Napaka makakalimutin ko na ba? san ko ba nalagay yun, Ez nakita mo na ba?" napailing ako at narinig na may kumakatok na naman. “Ez tingnan mo nga kung sino yung tumakatok." Lumabas na ako sa kwarto para tingnan kung sino ang kumakatok. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang batang ilang araw ng sumasagi sa isip ko. Nangilid ang luha nito at bilang yumakap sa akin “Mama" limang beses nya akong tinawag. Niyakap ko sya at napatingala kay Stefan “Sorry Ez hindi ko gustong mang-istorbo." “Baklaa na sight ko na ang susi tara na" palabas na si Reina sa kwarto at nagulat sya sa nakita. “Diyos ba yan? ang gwapo mare" lumapit sya kay Stefan at nakipag kilala. “Reina nga pala, Ikaw si Stefan diba? yung mayaman, mabango, gwapo at may anak?" Napatango nalang si Stefan “Ah oo ako nga Stefan nga pala" nagkamayan sila at parang ayaw pang bitawan ni Reina ang kamay ni Stefan kaya naman nagsalita na ako. “Reina bitawan mo na para kang walang Tado ah" bumitaw agad si Reina at napatingin kay Gabby. “Ang cute naman ng anak mo Stefan, need mo ba ng mommy? andito naman ako" lumapit sya kay Gabby at mukang natakot ang bata kaya lalong humigpit ang yakap sa akin, napansin naman ito ni Reina. “Ay shala ayaw sa beauty ko." Pinapasok ko na si Stefan sa sala at kinarga ko si Gabby. “Osya mukhang may family meeting kayo, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Madam Lily, Asikasuhin mo muna ang mag ama mo." Hindi na ako nakasagot, umalis na agad si Reina. “So, pwede ka bang maging nanay ng anak ko?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook