Gavin's POV
Naka-dekwatro ako ng upo sa aking swivel chair, facing the white wall of my office. Isinandal ko ang aking likod sa backrest. Nakatingala sa may kisame habang nilalaro ko ang fountain pen sa king kanang kamay.
“I saw her, Migs. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya ‘yong babaeng na-meet ko sa bar noon. ‘Yong babaeng naka—”
“Naka-one night stand mo? Na tinakbuhan ka ng madaling-araw?” Binasag ni Andrew ang sinasabi ko, sabay tawa.
I felt offended. Kaagad kong pinaikot ang upuan para harapin siya. I rested my palm sa gilid ng mesa.
“What’s funny?” tanong kong kunot-noo.
“Nothing! Nothing’s funny.” Umiling siya, pero may ngisi pa rin.
“But seriously—di ka pa pala tapos diyan? All this time, you were just pretending? Akala naming lahat, tuluyan na siyang nawala sa isipan mo.”
“Akala ko rin.” Saglit akong natigilan. “But now that she showed up again—”
“Or maybe it’s just the idea of her na bumalik,” malumanay ngunit matalas na sabi ni Andrew, habang nakikipagtitigan.
“Look,” pinahinga niya ang nakahalukipkip na mga braso sa ibabaw ng mesa.
“Hindi ko lang talaga maisip na ikaw, si Luisito Gavin Villalobo one of... if not the’ hottest eligible bachelor in town,” aniya sabay air quotes, “ay mag-aaksaya ng panahon para habulin ang isang babae. What happen to your self imposed rules man? I'm really to sorry to say this... pero, para ka kasing naghahanap ng karayom sa gitna ng dayame," his eyes narrowed as he expressed some logic. "if I may say..." dugtong niya.
I glared at him. “Sinabi mo na.”
“Seryoso, Migs.” Dahan-dahan niyang tinapik ang mesa. “Don’t you think it’s about time na kalimutan mo na siya? Tuluyan. For real, this time. Come on! It’s been years! Hanggang ngayon, wala ka pa ring balita tungkol sa ‘hot Cinderella’ na ‘yon. You have all the resources, pero wala pa ring progress. Hasn’t it crossed your mind na baka it was meant to be just that—a one night stand? So if I were you, I’d move on. Besides, anong point ng paghahabol kung ni pangalan niya, hindi mo alam? Life will be so much easier if you live in the now.”
Yumuko ako. Ilang sandali akong nag-isip habang pinagsalit-salitan kong tinapik ang mesa gamit ang mga daliri, gaya ng ginawa niya.
“Alam mo, tama ka naman. And yes, it had crossed my mind. Kasi gaya ng sabi mo—it’s been years, man.”
Muli akong tumingin sa kanya. “Kaya lang... I. SAW. HER. AGAIN. I saw her at the party, with my very own eyes.”
Itinuro ko ang mga mata ko gamit ang dalawang daliri.
“I don’t care if I don’t know her name. What matters is—I saw her.”
He tilted his head. “Talaga? Nakita mo ng buo yong mukha?”
Tinitigan ko siya, bago ako umiling.
"Hindi ko nga siya nakita nang buo. Just a glimpse of her side profile. Pero iba ‘yong kabog ng dibdib ko—kaya I knew. I just knew it was her.
“See?” Umayos siya ng upo. “Ipapaalala ko lang ha—in case you forgot—it was a masquerade ball, Migs. Ni hindi mo nga siya nakita nang malinaw. Tas ngayon, sasabihin mong nakita mo siya? How certain are you that it was not just your fancy eyes who sees her?”
“I just know.” I shrugged.
Tumawa siya. “I didn’t know you had it in you.” Umiling siya na parang hindi makapaniwala.
“Had what?” kunot-noo kong tanong.
“Delusions. O baka naman nababaliw ka na,” sabay tawa ulit.
“Well... I don’t mind being called crazy for her,” mahinang sagot ko.
“Tss! Bahala ka na nga.” Saka siya lumapit at bumulong, “Good luck... sa ghost haunting.”
Napatingin ako sa kanya, iritado.
“Stop calling her names. Will you? At totoo siya. Hindi siya ghost.”
“That’s according to your version.” Kumambyo siya ng tono, parang abogado sa courtroom. “Eh wala ka namang concrete evidence. Not even a witness to support your claims that sehe really do exist. Matatalo ka sa korte niyan.," ika ng abogadong kaharap ko.
“Gago!” Napailing ako. “Asan na nga pala ‘yong papeles na pinare-review ko sayo?”
"Um... pinapatawag mo ba ako dahil don? Cause I really thought, we'd rather talk about how to chase a ghost now." Pang-aalaska niya sa akin na sinuklian ko ng mahinang tawa.
“Well, kung ganon naman kaganda at ka-hot ang ghost na iha-haunt ko... then I’ll be very much willing to chase her for life.”
Napakunot-noo siya at nanlaki ang mga mata. Hindi na siya nagprotesta. It was a statement. At alam ng lahat sa paligid ko kung paano ako magbitaw ng salita—kasama na pati ang totoong kahulugan non.
He shrugged his shoulder his shoulders at iniabot ang papeles na tinutukoy ko, bago siya naglakad patungo sa restroom.
I was in the middle of scanning those papers when I heard the sound of the buzzer.
"Come in..."
Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Miss De Castro. Maayos ang bihis, disente ang kilos, at may dalang folder na halatang may laman na seryosong trabaho.
“Good morning po, Boss G,” bati niya sa magalang na tinig.
“Ito na po ‘yung hinihingi ninyong documents regarding the Butuan project. This is the revised version, aligned with the standards you’ve set.”
Maayos ang delivery niya—soft, pero malinaw. Calm pero may presence. I found myself blinking slowly. For some reason, may kung anong dulas sa boses niya na parang... tahimik na musika. Hindi ko maipaliwanag.
“Alright. Pakilagay na lang dito sa desk, please.” Tumango ako nang bahagya, still focused on the papers.
“Update na rin ako—wala pa ba si Tita Agnes?” tanong ko, in a casual but clipped tone.
Admittedly, ang utak ko ay wala sa Butuan project, at lalong wala kay Tita Agnes. Sa totoo lang, kanina pa paulit-ulit sa utak ko ‘yung side profile at yong mga mata ng babaeng nakita ko sa party. That familiar feeling. That punch in the gut I couldn’t shake off.
“Kung on-time po ang flight, she should arrive by 10:00 tomorrow morning. From the airport, diretso na raw po siya rito sa office.”
“No—don’t let her do that.”
This time, tumingin na ako nang diretso kay Miss De Castro. “Let her rest muna. Just tell her to give me a quick call once she’s settled. No rush.”
Pagkatingin ko, saka ko lang talaga siya na-obserbahan. And I saw nothing but a typical plain office girl. Not the type na mapapansin agad sa crowd. Neat ponytail, oversized glasses, and a curtain of bangs that covered the scar sa kanang pisngi niya. Nothing flashy. Very minimal. Very neutral. And yet, may contrast. That voice didn’t match the plainness. It was... surprisingly elegant.
“Noted po, Boss G,” aniya, sabay tango.
Nagpakita siya ng tipid na ngiti—at doon ko lang napansin. She had a nice set of teeth. White. Straight. Almost model-like.
It caught me off guard.
She stood there for a few more seconds. Hindi mapakali ang mga mata, tila may ina-absorb sa mesa ko. O baka may gusto lang itanong pero nagdadalawang-isip.
I leaned back on my chair slightly, crossed one leg over the other, and studied her briefly.
“Something else in mind, Miss De Castro?” tanong ko, this time with a calm but expectant look.
“Umm… Would you like to have some coffee, Sir?” Bahagya niyang ipinilig ang ulo habang nagtatanong, tila nag-aalangan kung dapat ba talaga siyang mag-offer.
“I think... that would be a good idea,” sagot ni Andrew mula sa gilid. Nakita kong nagmamadali siyang lumapit after catching a glimpse of Miss De Castro.
Napalingon siya sa nagsalita.
“Ay! Kayo po pala ‘yan, Attorney,” medyo gulat niyang tugon, sabay bahagyang yuko bilang paggalang. Nagtaas ako ng kilay.
Interesting. Hindi niya ‘yan ginawa kanina sa akin. Mas kagalang-galang ba si Andrew kaysa sa akin? O baka naman mas matanda lang talaga siyang tingnan?
Napangiti ako sa sarili kong iniisip.
“Good morning, beautiful…” I caught how Andrew gave her a wink.
At kelan pa naging “beautiful” si Shane sa kanyang mga paningin?
“Go-good morning din p-po…” Nahihiyang sagot niya, halos ‘di makatingin nang diretso.
Napawi ang ngiti ko nang mapansin ko ang kakaibang ngisi sa mukha ni Andrew habang nakatitig sa kanya. Si Shane naman, halatang naging balisa sa inasal ng kaibigan kong abogado.Napakunot ang noo ko. Anong meron? Or… anong meron sa kanilang dalawa?
“Sige po, sasabihin ko po sa secretary na ipagtimpla kayo ng kape,” sabi niya bago tuluyang tumalikod.
Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo.
Her hips swayed naturally in that fitted office dress she wore. Hindi naman' yon masyadong fitted sa front view. Bakit hapit na hapit ito sa kanyang likuran? Damn! Napadausdos ang paningin ko, pababa sa kanyang mga binti. Long, lean, and confident. How come I didn’t notice those assets before? I smirked slightly, then quickly averted my gaze—before it wandered further.
“Uh, Shane!” tawag ni Andrew.
Napalingon siyang muli. “Yes, Attorney?”
“Can I ask you a favor?”
Ako lang ba, o may lambing talaga ‘yung tono ng boses niya?
“Of course, Attorney…” sagot niya, kalmado pero magaan, tila sanay na sa pakikitungo sa kanya.
Andrew shifted his weight and took a step closer to her. Tumigil siya sa tabi mismo ni Shane.
“Gusto ko lang kasing matikman ‘yung…” He trailed off, then flashed a flirtatious smile.
Napakunot ako ng noo. I held my breath. Anong ginagawa nitong lokong ‘to? At anong pinagsasabi niya?
"yong gawa mo,” he finished, casually. “Can you do me a little favor by preparing mine instead?”
What the...! Napahawak ako sa sentido. For a second, akala ko kung ano na ang gustong matikman ni Andrew. Iba ang dating sa akin.
“Sure! No problem with that, Attorney,” Shane replied sweetly, without hesitation.
“And just Andrew, please? Nakalimutan mo na ba? We’ve talked about this, remember?”
Nakangiti pa rin siya habang pinapalambot ang boses niya. Tumango si Shane.
“I haven’t, Andrew... just Andrew, as you please.”
They really are flirting. Seriously? In front of me?
“Excuse me po, Boss G. I’ll just prepare the coffee. I’ll be back in a while.”
Tumitig siya sa akin sandali before turning away. Calm and composed, pero may kung anong naglalakad sa pagitan ng mga salita niya.
Andrew, on the other hand, didn’t take his eyes off her. He watched her every step until she disappeared around the corner.
Hindi ko alam kung gusto kong matawa, mainis, o mauntog ang kaibigan ko.
This is going to be a long day.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Andrew. Sa tingin ko, lumampas na sa pinto ang mga titig niya.
“Uhmm! Uhmm…” ilang ulit kong ginawa hanggang sa matauhan siya.
He blinked, clearly caught in a daydream. At hindi ko gusto ang direksyon ng naiisip ko ngayon.
Tumawa siya nang magtagpo ang mga mata namin.
“What?” depensa niya, nang mapansin ang tahimik pero matalim kong tingin.
Napakamot ako sa noo habang pumikit. “Anong meron?”
Bahagya akong humilig sa upuan.
“Anong meron?” inulit pa niya.
“Ano nga?” untag ko.
“Wala…”
“Magsasalita ka ba, or—”
“Or you’ll gonna throw me out?” putol niya sa sinasabi ko, sabay ngiti.
“You know how much I hate seeing my employees flirting in the workplace.” This time, I put on a straight, firm expression.
“I’m not your employee, Migs.” Tumawa siya na parang wala lang.
“But Miss De Castro is.”
Mas lalo siyang natawa, parang batang nakalusot sa gulo.
“And first-name basis? Seriously?”
“Bakit? What’s wrong with that? Friends do call each other on a first-name basis.”
“At kailan pa kayo naging magkaibigan? And you called her beautiful? Really? Since when did you lower your standards?”
Yumuko siya saglit. “Uhm… just recently?”
“Kelan nga!”
He looked up and glared at me. “Alam mo ikaw… ako ang abogado dito, pero para kang nagco-cross examine ng witness.”
“Just answer the question.”
“Fine! I’ll answer the question. But which one first?”
Napailing na lang ako, then focused my attention back to the documents.
“Bahala ka…”
“Magkaibigan naman talaga kami ni Shane, even before pa. You know that. Close siya kay Tita Agnes, ‘di ba?”
Tumango ako. Alam ko naman talaga.
"Kaya ayon nagkaka-usap kami in some corporate and social events that we both attended," dugtong ng abogadong kaharap ko.
“Talaga? Bakit parang wala ka man lang nababanggit?”
“Should I? Do I really have to? I mean, you were never interested in her. Ni pangalan niya, hindi mo halos mabanggit. And if not for Tita Agnes, baka hanggang ngayon, hindi pa rin siya napapansin despite everything she’s done for this company.”
“Wait… bakit parang ang sama kong tao sa tono ng pagkakasabi mo?”
I narrowed my eyes.
Tumawa siya. “Guilty ka lang.”
“And why would I be?” Kumunot ang noo ko.
"Kasi you only saw her as a plain assistant. As someone who could fill in the job in the absence of another someone. Mas sweet ka pa nga don sa dati mong sekratarya na wala namang ibang ginawa kundi ang i seduced ka." He smirked. “Buti na lang talaga na-fire out ‘yon.”
“Gago! Kung alam ko lang, pinatulan mo rin ‘yon!” Itinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. “You also flirted with her. So don’t give me that damn crap. Baka gusto mo, sarili mo muna payuhan. Ikaw nga ‘tong makakita lang ng ano, titiklop agad ang tuhod.”
“Whoa! That’s below the belt, Migs. And come on—sino bang lalaki ang hindi titiklop pag ganu’n? But FYI... I don’t know about Xander, pero ako? Hindi ko pinatulan ‘yon, I swear. Yes, I teased her. I flirted a little. Nakaka-distract kasi talaga yung... well, alam mo na. But I did it for your own good—to see what kind of woman she really was.”
“Excuses, excuses! Attempt pa rin ‘yon. You almost violated the bro code.”
“Hindi nga eh! And besides, hindi naman kayo naging kayo. So technically, no bro code was broken. Labo mo talaga minsan. Matawagan nga si Xander…”
“Naghanap ka pa ng kakampi—eh isa rin ‘yon!”
Tumawa ng malakas si Andrew, then glanced at his watch.
Sakto namang pagpasok ng aking sekretarya, dala ang dalawang tasa ng kape.
“Sir, sorry po, ako na po ang nagdala ng kape. Tumawag kasi si Miss Agnes kay Shane, kaya bumalik muna siya sa office nila. Besides, ako naman po talaga ang dapat gumagawa nito.”
Tumango ako "Okay, lagay mo na lang dyan sa table"
Pagkaalis niya, napatingin ako kay Andrew. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa mga tasa ng kape. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinili na lang niyang manahimik.
Dinampot niya ang isang tasa, pero bago uminom ay ngumiti siya nang tipid — ‘yung ngiting parang hindi abot sa mata.
“So… Shane rushed back, huh?” mahina niyang sabi, halos bulong.
“Yeah,” sagot ko, casual lang kunwari.
Tumango lang siya, walang idinagdag. Kita ko pa rin sa mukha niya ang bahagyang pagkadismaya, pero mabilis niya itong tinakpan sa pamamagitan ng isang pilit na biro.
“Well, at least may kape,” aniya, saka sinimsim ito.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, bigla siyang napatingin muli sa relo.
“Oh shoot, I almost forgot!” Tumayo siya agad, inayos ang blazer. “I have an appointment in twenty minutes — next building lang naman. So, pa’no? Gotta go now!”
Tumungo siya sa pinto at nong hinawakan na niya ang doorknob, saglit siyang huminto, then turned back to me with a smirk.
“About the other question, Migs…” Nagkibit siya ng balikat . “Since when did I lower my standards?”
He shook his head. “For the record, I haven’t—and I won’t.” He pointed a finger in the air as if making a formal point.
“But maybe ‘When did I lower my standards? is not the right question. But rather… When did I start noticing that she actually meets them? Those what the society called B E A U T Y?"
Nanatili akong nakatitig habang siya naman ay napangiti.
"May I suggest that you should try to get to know her on a personal level. I mean, brake barriers and crossed boundaries sometimes. Slightly forget about those 'boss-and-employee’ issues for a while, and maybe then, makikita mo ang mga bagay na hindi mo pa nakikita sa ngayon. There are a lot of things that needs to be seen MR. ANTONIO GAVIN VILLALOBO, things that can only be seen if you're willing to explore. Adios, Boss G!!"
Sumaludo siya bago tuluyang lumabas ng pintuan habang naiwan akong nakatulala.