ZILLENE MADRIGAL TULUYAN ng nawala ang mga markang iniwan ni Kuya Magnus, nakakaya ko na ring makapaglakad ng maayo nang walang kahit na anong iniindang sakit. Nakakapagsuot na rin ako ng maayos na damit dahil wala na akong kailangan pang itago na marka ng kahapon. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Isang simpleng spaghetti dress ang suot ko ngayon. Hindi naman ito revealing pero hindi ko mapigilang ma-conscious, bakat na bakat kasi rito ang shape ko. Ngayon ang araw na inimbitahan ako ni Terrence para sa band nito. Ayoko namang magmukhang 'naligaw' lang dahil lang sa suot ko kaya naisipan kong magsuot ng ganito pero sa huli ay hindi ko rin kinaya at kinuha ang itim kong jacket at ipinatong ito sa katawan ko. Sana lang ay hindi ako magmukhang weirdo nito dahil lang sa suot ko. "Bi

