ZILLENE MADRIGAL TIRIK na tirik ang araw pero turtle neck ang suot suot ko, pinaresan ko rin ito ng isang mahabang itim na leggings upang matakpan ang mga hickey sa katawan ko. Halos hindi tuloy maipinta ang mukha ng kaibigan ko nang makita nito ang suot suot ko. "I can't believe you are my friend," kumento ni Maddison habang hindi pa rin nawawala ang ngiwi sa mukha. Napakamot na lang ako sa batok. Kung alam lang nito ang dahilan kung bakit ako nakasuot ng ganito ngayon ay paniguradong iba ang magiging reaksyon niya. Paano ba naman kasi, tinadtad ba naman ako ng hickey ng kuya niya. Walang parte ng katawan ko ang hindi nito nilagyan ng palatandaan. "Wala namang masama sa suot ko, a." Napanguso lang ako. Wala rin naman akong balak na magsuot ng ganito pero wala naman akong choice. Hind

