ZILLENE MADRIGAL DUMATING ang hapunan at sabay kaming nagtungo ni Kuya Magnus sa hapag upang kumain. Hindi naman ako gutom na gutom dahil binigyan ako ng snack ni Ate Neska kanina bago siya dumating pero sumabay pa rin ako dito. Siguradong magagalit si Kuya Magnus kung hindi ako kakain kahit pa magdahilan ako rito na busog ako. Mabuti na lang at natapos na rin ang kabuwanan ko kaya pwede ko ng makain ang kahit anong gugustuhin ko, at hindi ba kailangan pang umiwas sa mga maasim tulad ng sinabi ni Ate Neska bawal daw kainin kapag may regla. Akala ko noong una ay may sakit ako dahil sa dugong lumalabas sa p********e ko pero ipinagliwanag sa akin ni Kuya Achelous na normal lang ito sa mga babae. Noong una ay hindi ko pa maintindihan ang tinutukoy nito pero maayos niya itong ipina-intindi s

