ZILLENE MADRIGAL KADILIMAN ang nakikita ko sa buong paligid. Tanging ang liwanag lang nang bituwin ang nagsisilbing gabay ko sa madilim na gabing ito upang takasan ang lalaking kanina lang humahabol sa akin. Kahit anong takbo ko ay hindi ko mahanap ang daan pauwi, tila ba na sa isa akong madilim na kuwarto at hindi alam kung saan tatakbo at magtatago. Hindi ko alam kung sinong tinatakbuhan ko pero para bang takot na takot ako. Subrang lalim ng paghinga at para bang kinakapos na nga sa paghinga. Rinig ang tawa nang kung sino na umalingawngaw sa buong paligid. "Alam mo bang noon pa 'kong may pagnanasa sayo, Zillene? Napakaganda mo, batang bata pa," aniya ng pamilyar na boses. Tinakpan ko ang mga tenga ko at nagpatuloy sa pagtakbo. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa loob ng dibdib

