ZILLENE MADRIGAL PINANOOD ko si Lucas na gamutin ang sugat ko. Naririto kami ngayon sa kotse niya. Dinala niya 'ko rito upang gamutin ang sugat ko. Mabuti na lang at may gamot siya sa sasakyan at mukhang may alam rin ito sa paggagamot ng pilay. Ginamot niya ang mga galos ko, pati na rin ang galos ko sa mukha at binendahan nito ang na pilay kong Paa. "It's all done," aniya ng matapos. Medyo masakit pa rin ang paa ko pero aaminin kong hindi na ito kasing sakit ng kanina. Nakakalakad na rin ako pero medyo may kirot pa sa tuwing maglalagay ako ng pressure. "S-Salamat," pasalamat ko. Mabuti na lang at naririto ito ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala siya rito. Kung wala siya ay baka hindi na ako nilubayan ng taong nagmamaneho noong sasakyan at sumusunod sa akin kanina. O

