ZILLENE MADRIGAL NANG marating ang tirahan namin ay na upo ako sa pinakamalapit na upoang nakita ko. Wala pa rito si Papa, siguro ay gumawala na naman ito kasama ang mga katrabaho niya, hindi na bago sa akin ang maiwang mag-isa rito sa bahay kaya hindi ko na ininda pa kahit wala ito. Mas peaceful pa nga kung ako lang mag-isa rito sa bahay, walang sagabal kaya maari kong gawin ang kahit na anong gusto ko. Tumayo ako upang buksan ang maliit naming TV dito sa sala. Matapos itong buksan ay bumalik na 'ko sa upoan at nagsimulang manuod. Wala naman akong ibang gagawin. Wala ng masyadong activity na ibinigay ang mga guro namin dahil malapit na ang Senior's Night. Malapit na rin ang graduation. Tinignan ko ang oras sa phone. Anong oras na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Magpapahinga

