ZILLENE MADRIGAL KAHIT anong pagpupumiglas ko ay hindi nakatulong iyon. Mas lalo pang dumiin ang pagkakahawak nila sa akin. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero huminto kami sa may bandang likod ng school kung saan merong storage na hindi na masyadong nagagamit. Nagulat ako ng itulak ako nong mga babaeng may hawak sa akin papasok sa maliit na storage room. Dahil do'n ay napaupo ako sa shot. Mahina akong napadaing ng maramdaman ang pagkirot ng binti ko dahil sa lakas ng pagkakatulak. Sa tingin ko ay magsusugat pa yata ito. "Ano bang problema niyo, ha? Anong kaylangan niyo sa akin? Bakit niyo ako dinala rito?" sunod sunod kong tanong. Imbes na sagutin ay nagsitawanan lang sila na tila ba may nakakatawang bagay sa harapan ng mga ito. Lumuhod si Adrianna sa harapan ko upang pant

