ZILLENE MADRIGAL PINAGMASDAN ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. Nakasuot ito ng puting gown na karaniwan kong nakikita na suot ng mga doctor, sa gilid ng uniform niya ay may nakalagay na name tag. Nakasaad roon ang pangalan ni 'Achelous Recafort' ang lalaking tumulong sa akin. Ilang taon man ang lumipas ay tila wala pa rin itong pinagbago. Mukha pa rin siyang bata, tulad ni Kuya Magnus ay tila mas nadagdagan pa ang appeal nito sa paglipas ng panahon. Napaiwas ako ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. Napansin yata nito kung gaano kalalim maninitig ko sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagkapahiya. Sino ba naman kasing hindi matutula kung ganito kagwapo ang doctor mo? Kung mayaman lang ako ay hihilingin kong palaging magkasakit para lang mapagmas pa

