ZILLENE MADRIGAL Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang taong hindi ko inaasahan naririto ngayon sa harapan ko pero kalaunan ay napaigik ako nang haltakin niya ang braso ko. "A-Aray! Masakit!" daing ko. Para namang wala itong narinig. Sa halip mas sumikip lang ang pagkakayapos niya sa braso ko. Naiipit niya ang sugat kung saan ako sinalpayan ng dextrose kanina kaya kakaibang sakit ang dulot nito sa akin. "Answer me, who the f**k is that? Who f**k is that man that take you home?!' nanggagalaiti niyang tanong. Natatakot akong makuwa niya ang atensyon ng ibang kapitbahay dahil sa lakas ng boses niya. Siguradong malaking iskandalo kapag nakita nila na kasama ko ang bagong Mayor. Pinaalis ko nga agad si Kuya Achelous upang hindi ako pagchismisan pero pumalit naman ang lalaking 'to. "Ano b

