ZILLENE MADRIGAL NAPAKAGAT ako sa labi at tinignan ang resulta . Hindi ko ma-explain ang kabang dumagundong sa sistema ko. Ilang araw na akong nagtataka kung bakit late ang buwanang dalaw ko at nasagot na nang pregnancy test na ito ang rason. Maraming idea ang pumasok sa utak pero ni-isa ay wala akong maisagot. Napabuga ako ng isang malalim na hininga. Nawala na ang kaba ko ng makita ang resulta. Isang guhit lang ang nakalagay sa pregnancy test. Hindi ako buntis... Ibig sabihin ay late lang ang period ko kaya naman wala na dapat akong alalahanin pa. Sa unang pagkakataon ay may pumabor din sa akin sa wakas. Masaya akong tumayo at akmang bubuksan ang pinto ng kalikuran nang isang tanong ang sumagi sa utak ko. Pagkatapos nito, ano na? Hindi ko na alam kung ano pang sunod na mangyayar

