ZILLENE MADRIGAL PINAGMASDAN ko ang malaking gusali ng ospital sa huling pagkakataon. Sa wakas ang nakakauwi na rin ako, antagal ko ring nagstay sa lugar na ito. Tila nga nagsilbi na itong pangalawang bahay ko dahil palagi na lamang napupunta rito. "Ganda, hali ka na," si Ate Neska. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nilapitan ito. Tinungan pa ako ng isa sa mga tauhan na Mayor Magnus na sumakay sa mamahaling sasakyan na maghahatid sa akin pauwi sa bahay. "Salamat po, Kuya." Naupo ako sa tabi ni Ate Neska. Mabilis na lumibot ang paningin ko sa mga taong nakasakay sa loob ng sasakyan pero apat lang kaming naririto. Ako, si At Neska, at iyong dalawang tauhan ni Mayor Magnus. Wala dito ang amo nila. Hindi ko alam kung ano ng nangyari kay Kuya Magnus. Pagkatapos niyang umamin sa akin ay

