ZILLENE MADRIGAL MAAGANG nagsara ang resto matapos ang nangyari. Ilang beses akong tinanong nila Ate Nilda kung sino ang lalaking iyon pero wala rin silang nakuwang sagot sa akin dahil maski ako ay wala ring ni isang kaide-ideya kung sino ang lalaking palihim sa akin kumukuwa ng litrato at pinapadalhan ako ng mga mensahe. "Dito na lang, Jerome," paalam ko. Nag-insist kasi itong samahan akong pauwi, hindi ko naman siya kayang tanggihan dahil alam kong mas safe kapag kasama ko ito. Paranoid na kung paranoid pero paano na lang kung balikan ako ng lalaking 'yon kanina? Tumango ito. "Magkita na lang tayo bukas. I-message mo ako kapag may kung anong nangyari, okay?." Nahihiya naman akong tumango. "Opo. Salamat talaga, Jerome." "Mauna na ako," paalam niya. Nang maka-alis ito ay deretsa ako

