ZILLENE MADRIGAL "ZILLENE!" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pagtawag ni Jerome sa pangalan ko. "Okay ka lang, beb? Parang kanina ka pang wala sa sarili," nag-aalalang tanong niya. Pilit ko itong nginitian. "O-Okay lang ako. Huwag mo lang akong pansinin." "Sigurado ka, a? Baka mamaya bigla ka na lang sapian rito ng kung sinong kaluluwa. Sabihin mo lang kapag iba na nakikita mo," pang-aasar niya. "Ikaw pa naman ang dahilan kung bakit andaming customer ang nagpupunta rito. Baka wala ng pumunta rito kapag nawala ka." Natawa lang ako sinabi. Pabiro kong hinampas ang braso nito. "Sira! Bumalik ka na nga sa trabaho mo, Jerome. Kung ano ano na lang ang pumupasok d'yan sa utak mo," pagtataboy ko sa kaniya. Humirit pa ito pero hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na sa trabaho. Hindi ko

