ZILLENE MADRIGAL HINDI makapaniwala ako nitong nilapitan. "Grabe, ang bilis ng panahon. Ang laki mo na. Ang ganda-ganda pa. Para noon lang chikiting ka pa na sunod ng sunod kay Sir Magnus," natutuwa niyang saad. Abot langit ang ngiti nito, mas lalong lumabas ang ganda niya. Tama ba ang narinig ko? Tinawag nitong Sir si Kuya Magnus? Ibig sabihin ba nito ay hindi siya fiancé ni Kuya Magnus? Para bang nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa kaisipang hindi nito kasintahan si Kuya Magnus. "P-Pasensya na po, Ate p-pero sino po kayo?" nahihiya kong tanong. Hindi ko alam kung paano niya 'kong nakilala pero sa itsura nito ay mukhang nagkita na kami noon. Napabusangot siya. "Ako 'to, si Ate Neska mo. Nakakalungkot naman. Nalimot ko na agad ako. Ako nga hindi ka nakakalimutan, e. Tapos ako nalim

