ZILLENE MADRIGAL HINDI siya nagsalita pero pagod lang niyang ipinikit ang mga mata at rinig ko ang malalim niyang buntong hininga kaya nagpatuloy ako. "...Kuya Magnus, h-hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari pero kung pagod ka na. Tandaan mong nandito lang ako." Kung noon ay palagi siyang nandiyan para sa akin ay gusto kong manatili rin sa tabi niya kapag may problema siya. Gusto kong maging kanlungan namin ang isa't isa dahil alam kong parehas lang kami nito ng pinagdaanan. Nawalan siya ng ina, hindi man kinuwa sa akin ng may kapal si Mama 'di gaya ng nangyari kay Kuya pero naranasan ko pa rin ang maiwan ng isang taong importante dito. Kung meron mang nakakaintindi ng nararamdaman niya ay ako 'yon. Kahit hindi ko man alam ang nangyayari rito sa mga nagdaang taon pero sapat na

