ZILLENE MADRIGAL NANG makapasok ako sa mansyon ng mga Villacarte ay sumalubong sa akin ang mga katulong na nakahilera. Na sa unahan ng mga ito ang mayordoma ng mansyon na o mas kilala sa tawag na Lola Auntie, hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang tawag nila sa kaniya pero hindi ko na rin balak pang alamin. Nakayuko ako nitong nilapitan. "Sumunod ka sa 'kin, Ms. Zillene." Kahit nakayuko ito ay halatang halata ang disgusto sa itsura niya habang pinagsisilbihan ako. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa nitong kuyuan ako kahit alam naman nilang magkalevel lang kami nito, baka mga mas mayaman pa ito sa akin. Tinahak namin ang daan patungo sa sala kung saan kompleto na silang pamilya. Mabilis na nagtungo ang paningin ko ay Maddison pero tinapunan niya lang ako ng tingin pagkat

