ZILLENE MADRIGAL NANG makabalik ako sa classroom ay naroroon na ang guro namin. Napagalitan pa ako nito nang makitang late ako pero pinapasok niya rin ako sa loob. Humingi ako ng paumahin dito sa huling pagkakataon bago mapagpasyahang dumeretso sa upoan ko. Magkatabi lang ang upoan namin ni Maddison kaya malaya kami nitong makapagdaldalan. "Ang tagal mo," seryosong turan niya. Umayos siya ng upo at hinarap ako. "What did he said to you? Tell me about it!" sunod sunod niyang tanong. Napakamot lang ako sa sariling batok at ipinakita sa kaniya ang bulaklak na bigay sa akin ni Lucas. "Niyaya niya 'ko senior's nigth," pag-amin ko. Saglit na tinitigan ni Maddison ang bulakbulak na bigay sa akin ni Lucas. Hindi siya nagsalita at nanatiling seryoso ang mukha habang nakatingin sa bulaklak na bi

