Chapter 24. Confession

1917 Words
"Ang hirap nga po hanapan ng sagot Mama Carol. May hiling po sana ako, kung pwede po sana ay samahan niyo ako sa Mercadó el Antiguo?" pakiusap ko. "Osige pero hindi bukas. Sa susumod na araw ay sasamahan kita, bago magsimula ang party rito sa palasyo ay tutungo tayo sa Mercadó el Antiguo." napangiti naman ako sa sinabi ni Mama Carol. "Ibig sabihin po ba nito, ako at si Nazario ang susunod na tagapagmana nitong palasyo?" gulat kong tanong. "Kung ako ang tatanungin ay dapat lang dahil kayo na ang representative. Kung hindi 'yon mangyayari, isang kahibangan ang pinunta mo rito Ferreira. akaya kailangan ipaglaban mo ang dahilan ng pagpunta mo rito, ang kontrata at ang kasunduan," sambit ni Mama Carol na siyang nagpakaba sa 'kin. "Pero paano po ako lalaban kung wala akong karapatan?" tanong ko. "Kung wala kang karapatan, bakit sa una pa lang ikaw na ang pinili?" may punto nga naman. "Dahil lang po sa kondisyon. Muntik na raw po akong mamatay noong bata ako. Sina Señora at Señor po ang tumulong para makahanap ng heart donor kaya hanggang ngayon ay nabuhay po ako, ang kondisyon po ng pagtulong nila ay kukunin ako sa tamang oras, kaya ngayon po ay nandito ako para sa kompanya nila na magiging sa 'min na rin po ni Nazario sa oras na mapalago," tugon ko "Ibig mong sabihin ay may lahi kang kastila? At dito ka ipinanganak?" gulat na tanong ni Mama Carol. Akala ko ay alam niya lahat tungkol sa 'kin, hindi pala. "Opo, dahil purong espanyol po ang Papa ko na nakilala ni Mama rito sa Spain noong panahong nagbabakasyon po siya." hindi mapakali si Mama Carol ng sabihin ko iyon. "Kilala mo ba kung sinong Papa mo? At kung na saan siya ngayon?" tanong niya. Umiling ako, "Patay na raw po ang Papa ko sabi ni Mama dahil sa gastritis stage 4 na hindi naagapan. Sina Señora at Señor din po ang tumulong kay Mama para makaluwas pabalik sa Pilipinas." Malungkot kong sinabi, nakalulungot talaga isipin na hindi ko nakilala ang tunay kong ama. "Sandali lang, paano nakilala ng Mama mo sina Señora at Señor?" pagtataka ni Mama Carol. "Iyon po ang 'di na-ikwento sa 'kin ni Mama. Ang sabi lang po niya ay sina Señora at Señor ang kusang tumulong sa 'min." 'yon lang kasi ang nasabi sa 'kin ni Mama, sana pala ay nagtanong pa 'ko. "Ferreira, mukhang kailangan nga natin na magtungo sa Mercadó el Antiguo. Huwag ka mag-alala, kahit ako may maraming nais na malaman. Kailangan ko muna maglinis ngayon sa baba, ayos lang ba sa 'yo?" sambit niya. Napaisip tuloy ako, bakit parang kabado rin si Mama Carol gaya ko? Sabagay, pareho kaming curious at marami pang gustong malaman. "Opo, ako rin po kasi aalis. Pakisabi na lang po kay Nazario, salamat ng marami," nakangiti kong sinabi. Maya-maya ay naisipan na namin bumaba at bumalik sa loob ng palasyo. Pagsapit ng tanghali ay pupunta ako sa terrace, hihintayin ko ang letter ni Alford. Sa wakas! Tapos na 'ko kumain at mag-ayos. Iniwan ko sandali sa ilalim ng unan ko ang kwintas na bigay sa 'kin ni Nazario. Papunta na 'ko ngayon terrace. Wala na rin ang mga guardiya dahil break time nila. Pagkarating dito ay agad kong nasilayan ang isang papel na nakalagay sa gilid ng gate, ngiting tagumpay naman ang natamo ko ng mahawakan ko na ito. To: Ferreira Hi precious angel! I can't wait to see you again. I will wait for you, Ferreira. Please wear… your lovely smile. From: Alford 'Di ko na naman maipinta ang itsura ko, napaka-romantic niyang tao. Imagine? Sinulat niya pa 'yon tapos inihatid rito, I feel so damn special! Jusmiyo! Agad akong lumabas ng palasyo, wala pa man sa kalahati ang nilalakaran ko ay natatanaw ko na ang kotse ni Alford. Nakangiti akong naglakad palapit rito, sa wakas ay nandito na 'ko sa tapat ng kotse niya. Bakit gano'n? Hindi niya binubuksan ang bintana. Kumatok ako at kumaway kahit 'di ko makita kung may tao sa loob ng kotse. Wala pa ring nagbubukas ng bintana. Maya-maya lang ay nagulat ako dahil bigla akong may natamaan sa likod ko, pagtingin ko ay si Alford. "Hahahaha, mas lalo ka pa lang gumaganda kapag hinahanap mo 'ko." aba tinawanan pa 'ko ang loko. "Anong trip mo ngayon, huh?" nakakunot noo kong tanong. Bigla niya naman hinawakan ang ulo ko at ginulo ng kaunti ang buhok ko. "For you." inabot niya sa 'kin ang isang paper, pagtingin ko ay isang tedy bear na panda. Isama mo pa ang napakalawak niyang ngiti. "Wow! Ang cute!" para bang 'di na 'ko makapag-antay na yakapin ito. "Shall we?" pag-aaya niya. Sumakay na kami sa kotse at agad na umalis. Habang nasa biyahe ay wala akong ibang ginawa kundi yakapin ng mahigpit ang panda na binigay niya. "Buti pa 'yong panda nakatatanggap ng mahigpit na yakap." napatingin ako sa kanya, aba nagpaparinig ba siya? "Baliw ka talaga!"hinampas ko sa kanya 'yong panda. "Atleast sa 'yo." Sa pagkakataong ito ay nagkatitigan kami. Jusmiyo, ayan na naman si heart beat naririnig ko. Iniba ko ang usapan para itago ang ngiti sa 'king labi. Nagpatuloy kami sa biyahe at 'di ko namalayan na nakarating na kami rito sa Valencia de Estrito. Hindi ko pa nalilibot ang buong spain at kahit alam kong marami pang ibang place na magandang puntahan, ang Valencia de Estrito ang pinakagusto ko at 'di ko pagsasawaan. Ewan ko rin kung bakit, pero ramdam kong gano'n din si Alford. Kasalukuyan kaming nakatayo ni Alford sa tabing dagat habang iniinom ang Tea na dinala niya kanina. Jusmiyo, andami niyang dalang pagkain at Tea pero ang sabi ko ay 'wag na ilabas lahat. 'Yong iba naman ay binigay namin kay Tay Yelson. Paluboy na ang araw, ang bilis ng oras parang kanina lang ay hindi ako makpag-hintay na magkita kami, ngayon ay tuluyan ng maggagabi. Habang nakatayo kami sa tabing dagat, bigla kong naalala 'yong kwintas niya. Buti na lang pala ay nadala ko ito. "Alford, sorry ngayon ko lang 'to naisauli sa 'yo," tugon ko saka inabot kay Alford ang kwintas na naiwan niya noon sa hospital. Napangiti naman siya ng napakalawak bago niya kinuha ang kwintas. "Alam mo ba dati 'pag nawawala 'to, galit na galit ako," seryoso niyang sinabi. "S-sory… hindi ko agad naisauli sa 'yo kas-" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita kong nakangiti siya sa harap ko na parang timang. "Bakit parang natutuwa ka pa na ngayon mo lang nakita 'yan?" pagtataka ko. "Kasi lahat ng bagay na unti-unting nawawala sa 'kin, ikaw ang nagbalik." Sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako sa pag-inom ng Tea. Muli kaming nagkatitigan dahilan para ang puso ko ay bumilis na naman sa pagpintig. "Pinaka-ayoko sa lahat 'yong tipong mawalan ng bagay na pinahahalagahan, pero ngayon…" "Pero ngayon, ano?" tanong ko. Bigla siyang pumunta sa likod ko at itinaas niya ang buhok ko. Laking gulat ko nang isuot niya ang kwintas sa 'kin, "Mawala na lahat, 'wag lang ikaw." Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig dahil sa sinabi niya. Mas lalo akong nagulat nang yakapin niya 'ko ng sobrang higpit. Ang yakap na 'yon na nagparamdam sa 'kin na kahit anong mangyari ay "di siya mawawala sa tabi ko. Sa yakap niyang iyon ay naramdaman ko ang tunay na saya at payapang damdamin. Hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko lang ang mga kamay niya na nakayakap sa 'kin habang dinadama ang simoy ng hangin, bigla na lang din naging kalmado ang pintig ng puso ko. "I'll teach you some basic words of spanish," sambit ni Alford na siyang bumasag sa katahimikan. "Sure!" natutuwa kong sinabi pero hindi pa rin niya 'ko binibitawan sa pagkakayakap kaya naman 'di na ko gumalaw pa sa kinatatayuan ko. "Lahat ng babanggitin ko, dapat mo ring banggitin. Okay?" sambit ni Alford. "Okay, game!" sagot ko "Pienso en ti tod el tiempo," tugon ni Alford. "Pienso en ti tod el tiempo," ginaya ko ito. "I think about you all the time." Ano daw? "Huh?" Tanong ko. "Iyon ang ibig sabihin ng pienso en ti tod el tiempo," sambit niya. "Ahhhh 'yon ba haha. Okay next," tugon ko. "Pero al diablo, eres más importante que todo," sambit niya. "Pero al diablo, eres más importante que todo. Ano naman ang meaning no'n?" Tanong ko. "You're more important than anything," tugon niya. Bigla na lang humigpit ang yakap niya sa 'kin. s**t para na 'kong hihimatayin! "Okay next!" Pangbasag ko sa katahimikan. "A partir de hoy, siempre los veré," sambit niya. "A partir de hoy… siempre los veré. Then 'yong meaning is?" tugon ko "From now on, I will always watch you." jusmiyo ka Alford! Ang lakas na naman pintig ng puso ko ngayon, bakit gano'n ang mga tinuturo niya sa 'kin? "Okay next!" pangsegway ko. "Tengo sentimientos por ti," sambit ni Alford. "Tengo sentimientos por ti. Ano naman 'yon?" pagtataka ko. "I have feelings for you." aba talaga naman 'tong si Alford. Bakit gano'n ang itinuturo niya? Puro confession na ewan. Ang init nang mukha ko, ano kayang reaksyon niya? "Ikaw Alford ah…" nakangiti kong sinabi kahit 'di niya nakikita ang mukha ko. "Why?" Seryoso niyang tanong. "W-wala. Sige na tuloy mo na," tugon ko. "No voy a dejar que nadie te lastime," sambit niya. "No voy a dejar que nadie te lastime. So ano naman ang meaning no'n?" umaasa akong maayos na ang kahulugan no'n. "I won't let anyone hurt you," sagot niya dahilan para mapahinto ako. Bigla naman niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakayakap sa 'kin. Sh*t! Bakit parang ayokong matapos ang gabing ito? Maya-may ay bigla ulit siyang nagsalita, "Te amo." "Alam ko 'yan, ang ibig sabihin no'n ay I love you," pagmamalaki. "O-okay edi, yo también, Ferreira." Ay sh*t! Alam ko rin 'yon. "I love you too ang meaning no'n…b-bakit mo binanggit ang pangalan ko sa dulo?" pagtataka ko. Bigla kong naramdaman ang mahina niyang paghikbi dahilan para bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Humarap ako sa kanya at sa pagkakataong ito ay natigilan ako at ganoon din siya. Pero bakit siya lumuluha? Tears of joy ba 'yon? "Te amo mucho, Ferreira." Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot, nanatili akong nakatayo sa harap niya at pinagmamasdan ang lumuluha niyang mata. Pinunasan ko ang mga ito hanggang sa palapit nang palapit ang mukha namin sa isa't isa, sa pagkakataong ito ay naglapit ang aming mga labi. Ito ang unang pagkakataon na maranasan ko ang isang halik mula sa lalaking 'di ko inakalang magpaparamdam sa 'kin ng totoong saya. Hindi ko lang siguro magawang aminin pero…. Alford, hindi ko alam kung anong salita ang makapagsasabi ng tunay kong nararamdaman pero ang tanging sigurado ako ay… ayokong mawala ka. Ayoko. Kung alam mo lang Alford, kung gaano ka kahalaga sa 'kin. Masyado nga bang mabilis ang mga pangyayari? Kailangan ba talaga ng mahabang oras at panahon para malaman na mahalaga ang isang tao? Hindi ba't damdamim ang importante hindi lang basta ang oras? Pero bakit nga ba ganito ang epekto niya sa 'kin? Bakit tuwing magkalapit kami ay nararamdaman ko ajg isang emosyong napakalalim na para bang matagal ko nang naramdaman? Mali bang sabihin ito sa taong hindi ko pa lubos na kilala pero labis na saya ang idinudulot sa akin? O ito na nga ang totoong pag-ibig na sa aking nakaraang takot magtiwala ay tuluyan nang mapapalitan ng tunay na ligaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD