STEFFANY POV Napangisi si Marco, "Steffany, sobrang sorry sa ginawa ko sayo. Maniwala ka sa akin, ikaw lang ang babaeng minahal ko." Isang malakas na sampal ang binitawan ko sa makapal na mukha ni Marco, "Mahal? Wag mo akong bolahin Marco. Kung mahal mo talaga ako, bakit kinakailangan mong maghanap ng iba? Ibig lang sabihin noon, wala ka talagang loyalty sa akin. Isa lang akong laruan sayo!" Sasampalin ko na sana si Marco ulit subalit this time, pinigilan niya ako. Bigla niya akong sinakal ulit sa leeg at idiniin ako sa puno. "Gago kang babae ka! Baka nakaka limutan mo na malaki ang utang na loob mo sa akin? Dahil sa akin kaya ka nandito ngayon, buhat at kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Kung mambababe man ako, wala ka nang pakialam doon. Sampid ka lang sa buhay ko Steffany, kay

