STELLA POV Nag punta kami sa may ari ng apartment na marunong palang mag English. Nasunod naman ang terms na gusto namin, lumipat kaming dalawa ni Tyler sa kabilang apartment kung saan mayroong bath tub at magandang tv. Pagkatapos nito, nag renta si Tyler ng bike. "Sumakay ka sa likod Stella, bibili tayo ng jacket at pupunta tayo sa mga magagandang tanawin dito sa Japan." Bago ako sumakay, iniikot ko muna ang mga mata ko sa paligid. Sobrang sarap pag masdan ng buong paligid. "Tara na Stella, marami pang mga magagandang tanawin dito sa Japan at ito tour kita. Pagkatapos pwede tayong kumain sa masasarap na restaurant. Magsho shopping pa tayong dalawa." Sumakay na ako sa bike ni Tyler. "Yumakap ka sa akin, mabilis akong magpatakbo ng bike." "Ha?" Biglang pinaandar ni Tyler ang bike

