Chapter 66 SIENNA SA KABILA ng pagtutol ko na hindi kami sasama. Pero tulad ng dati, kapag si Kuya Matteo na ang nagdesisyon, tapos na ang usapan. Ngayon, nasa loob na kami ng chopper. Ilang segundo lang mula nang umikot ang propeller, saka ito tuluyang umangat. Bumigat ang dibdib ko habang lumiliit ang mga building sa ilalim. Lumilingon si Kuya sa akin. Ngumiti pa. Hindi ko siya nginitian pabalik. Alam kong mahal niya ako. Tatlo kaming magkakapatid at ako lang ang babae. Lumaki akong prinsesa sa paningin nila. Pero hindi ibig sabihin nun gusto ko ang mundo nila. Dahil dedma ako, bumaling siya kay Dray. “Hey, buddy,” malambing niyang sabi. “Hindi ka ba natatakot?” Mabilis na umiling si Dray. “Nope. Cool nga po eh.” Sumilip pa siya sa bintana. “Ang liit na ng mga ilaw sa baba.” Napa

