Chapter 65 THIRD POV UNTI–UNTING humina ang paghikbi Uno sa balikat ng lolo niya. Dahan-dahan siyang lumingon. Kay Carla. Matalim ang mga mata niya. Nanginginig ang panga sa pagpipigil ng galit. Simula nang bumalik si Carla sa buhay niya, sunod-sunod na ang gulo. At ngayon… si Enna ang nawala. “Kasalanan mo ito,” mahina niyang sabi pero matalim ang tinig. Nanginginig. "Simula nang pumasok ka sa buhay ko...everything went downhill." Napaatras si Carla nang makita ang itsura niya. Mas hinigpitan ang yakap kay Alonzo na agad yumakap sa mga binti niya. "Huwag mo akong sisihin sa lahat ng problema mo, Uno." Pero blangko na ang isipan ni Uno, basta ang alam niya lang nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Akmang tatalikod na si Carla pero mabilis na tumayo si Uno mula sa pagkakaluhod. Isang

