Chapter 64 THIRD POV NANG tuluyang mawala ang mga armadong lalaki, saka lang nakahinga ang mga tao sa loob. May mga napaupo sa sahig. May nagyakapan. May tahimik na umiiyak sa gilid. Si Don Vaughn at Kristina nagyakap, parehong nanginginig pa. Si Knox napayakap kay Bella na halos hindi mapakalma. Tuloy-tuloy ang iyak niya. “Grabe ang ginawa nila kay Uno…” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang kamay. Si Wyatt dali-daling tumawag sa mga kasamahan niya. “I want all exits secured. Now! Check the CCTV, call everyone!” Halatang inis sa sarili dahil wala siyang nagawa kanina. Si Knox naman hinarap ang mga bodyguard. “Ano’ng ginagawa n’yo? Paano sila nakapasok? This is a secured property!” galit niyang sigaw. Walang makasagot sa mga ito, napayuko na lang. Habang magulo sa loob, si Dos

