Chapter 63 SIENNA HINABLOT nila si Dray sa mga braso ko pero kumapit ako nang buong lakas. Halos mabali ang balikat ko sa paghila nila pero hindi ako bumitaw. Umiiyak si Dray, yakap ang leeg ko. “Mama! Mama, ayoko!” “Let the kid go,” mariing sabi ng lalaking nakamaskara. Mas lalo kong niyakap si Dray. “Hindi! Ako ang kailangan n’yo!” sigaw ko, halos mawalan ng boses. Biglang tumigil ang lahat nang marinig ang click ng baril. Napalingon ako. Nakatutok ang baril direkta sa noo ni Uno. Sinubukang sumugod kanina pero ngayon hindi siya makagalaw. Kahit ang mga bodyguard nila hindi nakagalaw, sina Romy, Wyatt si Knox at kahit si Dos, naroon ang gigil at galit sa mukha pero hindi rin makakilos, bawat isa may baril na nakatutok sa sentido. Si Carla nasa gilid yakap ang anak, takot na takot.

