Chapter 62 SIENNA UMIWAS ako kay Uno. Wala akong balak makipagsagutan. Not now. May kailangan akong gawin at ayokong masira ang focus ko dahil sa kanya. Pero humarang siya sa dadaanan ko. Halos magdikit ang katawan namin. Napatingala ako sa kanya at sinalubong ang tingin niya. Matigas ang panga niya, nagdidilim ang mga mata. Akala siguro niya matatakot ako. Well, he’s very wrong. “Umalis ka,” matigas kong sabi. Mas lalong humigpit ang panga niya. “Hindi pa tayo tapos.” "Wala tayong dapat pag–usapan." "Ano ba ang plano mo?" halos pabulong niyang tanong, pero puno–puno ng galit. "Maghahanap ka ng mas bilyonaryo, tonight? Para pagbentahan ng katawan mo?" He said with sarcasm. Pinigil ko ang paglabas ng matalim na paghinga. "It's none of your business." Hinawakan niya bigla ang braso

