Chapter 45 SIENNA HAHAKBANG na sana ulit kami ni Dray nang may magsalita sa likod namin. “Late na ba ako?” Napahinto ako dahil pamilyar ang boses. Dahan-dahan akong napalingon. Nakita ko si Wyatt. Nakatayo ilang hakbang lang ang layo, naka-black shirt, sleeves rolled up, may ngiting abot tainga. “What are you doing here?” tanong ko may ngiti sa labi. Ngumiti siya pabalik. “Wow. Hindi man lang ‘hi’?” Bago pa ako makasagot, naramdaman kong humigpit ang kapit ni Dray sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya kay Wyatt, walang kurap. Curious ang mga mata. Huminga ako nang malalim at pinakilala ko ang lalaki sa kanya. “This is Wyatt,” sabi ko. “A… friend.” Tumingin si Wyatt kay Dray, mula ulo hanggang paa, parang may biglang nabuo sa isip niya. Lumuhod siya ng bahagya para m

