Chapter 46 NAGPUPUYOS ang dibdib ni Uno. Hindi niya maipaliwanag kung alin ang mas mabigat, ang galit, ang selos, o ang pakiramdam na may isang bagay na hindi niya kontrolado. Hindi mawala sa isip niya ang eksena sa arcade kanina. Si Enna. Si Wyatt. Si Dray. Magkakasama. Hindi niya namalayang humigpit ang kamao niya. Agad na kumilos si Carla. Alam na niya kapag ganitong galaw ni Uno, kapag tahimik na masyado, kapag ang panga ay matigas, kapag ang mga mata ay delikado. Lumapit siya, maingat, parang naglalakad sa manipis na yelo. Ipinulupot niya ang braso niya sa braso ng lalaki, marahan, parang paalala na nandoon siya. “Uno,” sabi niya, mababa ang boses, may lambot. “Hey… look at me.” Hindi agad tumingin ang lalaki. Kaya huminga siya nang malalim, at pinasok ang usapan na pwedeng mag

