Chapter 74 UNO TULOY ang kaso. Aggravated assault. Attempted homicide. Paulit-ulit binabanggit ng abogado ko ang possible outcomes, ang timeline ng hearing, ang strategy. Nakikinig ako pero parang hindi pumapasok sa utak ko. Makulong? Eh di makulong. May pakialam pa ba ako? Dalawang linggo na akong miserable. Dalawang linggo na wala akong balita kung nasaan sina Enna at Dray. Parang bula silang naglaho. Pinuntahan ko ang bahay na pinagdalhan ko kina Lorena. Pero wala na sila roon. Pumunta ako sa facility kung nasaan si Melchor. Piniga ko siya ng impormasyon pero matigas. “Hindi mo kilala ang asawa mo,” sabi niya sa akin, diretso ang tingin. “Baka magulat ka kapag nalaman mo kung sino ang babaeng pinakasalan mo.” Ano’ng ibig niyang sabihin? Tinulak ko ang upuan niya noon sa inis. “S

