Chapter 73 SIENNA “MY GOD… Thalie, my God!” Halos mapa-upo si Mommy nang tuluyan nang makumpirma ng doctor ang resulta. Hawak niya ang papel na parang may nakasulat na trahedya roon. Paulit-ulit siyang napapailing habang ako tahimik lang na nakaupo sa sofa, crossed legs, at walang pakialam. “Another Hayes?” bulong niya na puno ng disbelief. I just rolled my eyes. Honestly, nakakapagod na ang ganitong reaction. Parang kasalanan ko pang nabuntis ako sa sarili kong asawa. Napatingin ako kay Daddy. Nakatayo siya malapit sa bar counter, parehong kamay nasa bulsa ng slacks niya. Tahimik pero ramdam mo ang bigat ng iniisip. Kita ko ang disappointment sa mga mata niya kahit hindi siya nagsasalita. But the hell I care. Pumikit ako nang mariin at napahawak sa tiyan ko. Deep breath. Kalmado l

