Chapter 72 THIRD POV NAKASANDAL si Uno sa malamig na pader ng selda, isang tuhod nakatiklop, ulo bahagyang nakayuko. Hindi pa rin nawawala ang init sa mga mata niya. Fury was still there, simmering, alive. Nasa kulungan siya ngayon dahil nagdemanda ang pamilya ni Carla Salmonte. Aggravated physical assault. Attempted homicide. Pero wala siyang pinagsisihan. Kung tutuusin, kulang pa ang ginawa niya. Dapat nga pinatay na niya. Kagabi, habang nakahandusay si Carla sa sahig may dumating na mga pulis at dinampot siya kasama ng mga ito ang mga magulang ni Carla. Narinig niya ang yabag ng bota sa semento. Tumigil ang guard sa harap ng rehas. “Hayes. May bisita ka.” Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Tinitigan niya muna ang guard tinatantiya kung nagbibiro ba ito. Nang makitang seryoso,

