Chapter 78 UNO BIGLA akong napahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit basta may kakaibang kaba. Parang may humigpit sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Kasabay noon ang malakas na iyak ng sanggol sa loob ng SUV ko. “Anak ko! Anak ko!” umiiyak na sabi ng lalaki habang hawak ang kamay ng kanyang asawa. Sa likod sila, nakahiga ang asawa niya, pawis na pawis, hawak ng kamadrona ang bagong silang na sanggol. Amoy dugo sa loob ng sasakyan ko. “Sir, salamat po, kung hindi kayo huminto—” nanginginig na sabi ng lalaki. Nadaanan ko lang sila kanina sa gilid ng kalsada. Walang masakyan. Panic na panic. Hindi ko na inisip pa. Pinapasok ko agad sila. Hindi na umabot sa ospital. Dito sa likod ng kotse ko nanganak ang babae. Malakas na umiiyak ang sanggol habang pinapanood ko ang eksenang

