Chapter 09: Kapahamakan

2023 Words

Chapter 09 SIENNA WALA akong sinayang na oras. Hinila ko ang maleta mula sa ilalim ng kama at nagsimulang magsalansan ng mga damit, kay Dray muna, saka sa akin. Pili lang. Hindi pa malinaw kung gaano katagal kami mawawala rito, pero malinaw sa akin na hindi na kami babalik sa ganitong buhay. Hindi na rin ako nagulat nang tumanggi si Papa. Katulad ng inaasahan,, matigas ang ulo, puno ng pride, at ayaw umalis kahit lubog na sa utang. Ilang beses ko siyang kinausap. Ilang beses akong nakiusap. Wala. Sa huli, wala na akong nagawa kundi ang igalang ang desisyon niya. Kami na lang ng mga kapatid ko ang lilipat. At higit sa lahat, si Dray. Gusto kong maranasan niya ang maayos na tirahan. Malinis. Tahimik. Ligtas. Sa susunod na pasukan, magnu-nursery na siya. Gusto kong pumasok siya sa eskwe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD