Chapter 08 SIENNA MATIGAS ang mukha ni Uno. Kita sa panga niya ang determinasyon, ’yung tipong sanay masunod, sanay walang kumokontra. Parang kahit ilang beses kong idiin ang kondisyon ko, siya pa rin ang may huling salita. Pero hindi rin ako papatalo. Kung saan man niya ako dadalhin, kasama ko si Dray. Kahit baliktarin niya ang mundo, hindi ko iiwan ang anak ko. Tahimik lang kaming nagtitigan hanggang sa siya na ang unang bumuntong-hininga. Halatang napipikon na rin. “Fine,” sabi niya sa wakas, malamig pero may pilit. “You can bring your son. I’ll deal with my parents and grandparents.” Napakunot ang noo ko sa sumunod niyang sinabi, parang sermon na hindi ko hiningi. “In this time, ayokong isipin nila na may true love. That only exists in fiction.” Napailing ako. Unbelievable. Th

