Chapter 56 SIENNA PAGDATING namin sa hospital, agad kong nakita si Uno. Nakaupo siya sa ibabaw ng stretcher habang nililinis ng nurse ang mga galos sa kaliwang braso niya. Nakangiti pa ang gago. Nakikipagbiruan pa. Namumula ang mukha, mapungay ang mga mata, halatang nakainom. Parang walang nangyari sa kanya. Kasama ko si Wyatt, sina Don Vaughn at Doñya Kristina, at si Carla na halos tumakbo palapit kay Uno. Agad siyang yumuko sa tabi nito, hawak ang kamay niya, panay ang tanong, tila mas alalang-alala pa kaysa sa isang asawa. Napatingin si Uno sa paligid. Nang tumama ang tingin niya kay Wyatt, agad na naglaho ang ngiti sa labi niya. Sumalubong ang mga kilay niya, nanigas ang panga. “Ano’ng nangyari sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Don Vaughn. “Masakit ba? May hilo kang naramdaman?”

